Huwag ka magtataka kung sya ay tipo ng matanong, di mo ba alam ang dahilan bakit sya nagkakaganon. Hindi sya magtatanong kung sya ay nakukuntento sa ngayon, ibig sabihin non maraming butas sa inyong relasyon. Sasabihin ko syo ang ugali ng mga babae, kasi minsan may kanya kanya rin kaming diskarte.
Kapag nagtatanong si babae, ibig sabihin mahal ka talaga nya at natatakot lang sya na baka mawala ka. Sinisigurado nya na sya ay mahal mo kaya gusto nya lagi ito ay sinasambit mo. Huwag kang mainis dahil normal lang iyon lalo na sa tipo mo na di usually sinasabi yun. Sana intindihin mo bakit sya nagkakaganon hindi reaksyon mo eh tila ikaw ay napipikon.
Swerte ka at ikaw ang minahal nya, alam ko na alam mo wala ka ng makikita na tulad nya. Ikaw na ang nagsabi sya na para syo ang pinakamabait na babae, dahil sya ay ibang iba sa mga babaeng iyong nakasama. Ang mga babae ay likas na mahaba ang pasensya lalo na kapag sila ay nagmamahal na. Ngunit huwag mo sagarin at huwag ka magpakampante dahil baka magulat ka na isang araw sya ay wala na pala.
Kaya hanggat nadyan sya sa iyong piling, matuto ka pahalagahan ang kanyang damdamin. Ipakita mo sa kanya at ipadama ang pagmamahal na iyong nadarama, tignan mo isang araw ay magugulat ka dahil matatahimik na sya at kayo ay pareho ng masaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento