Nakakainis, tatlong oras na ako nag iisip ngunit walang pumapasok sa aking isip, gusto ko sumulat ng magaganda pero bakit wala akong maalala. Ano ba ang nangyari sa aking noon bakit di ko na maalala ngayon. Nasobrahan ba ako ng kakacontrol sa mga alaala na gusto ko kalimutan at mga bagay na dapat kong tandaan.
Meron akong subject tuwing martes at huebes, ito ay Psychology 1 ni Sir Anorico. Minsan ang aming napag usapan ay yung lungkot na minsan ay ating nararamdaman, ang sagot na di ko makakalimutan "nasa hypothalamus lang yan". Kaya daw konrolin ang mga lungkot, feelings, emotion, depression bahala ka na kung ano gusto mo itawag dito, napaisip ako at bigla gusto kong magtanong.
Pagkatapos noon ay may nabanggit sya tungkol sa short and long term memory. Ako'y napaisip meron akong tanong ngunit pinagsama ko ang dalawang bagay na kanyang idiniscuss. Ang aking naitanong "Sir pede ba mangyari na kontrolin mo ang mga bagay na gusto mo alalahanin at tandaan.". Narinig ko galing sa aking likuran ang kaklase ko ito ang tinuran "ang tanong ni ate may laman" siguro nadama nya na ang tanong ko ay may kinalaman sa aking pagkatao.
Simple lang ng sinagot ni Sir Anorico, "OO". Ngayon ko lang narealize ang ginawa kong pagkontrol sa emosyon at alaala ko. Di naging maganda ang bunga ng ginawa ko, siguro ay bata pa ako kaya di ko alam ang tamang proseso. Kasi hindi ko nagawang kontrolin ng tama ang aking isip at damdamin, ang nangyari ay nakalimutan ko ang parte ng buhay ko na masaya nung pinilit kong limutin ang mga bagay na di magaganda.
Ngayon di ko malaman kung paano ko ibabalik ang aking memorya, gusto ko maalala yung panahon na ako'y masaya at bata pa. Panahong buo pa ang aming pamilya at lagi kami sama-sama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento