Ang hirap sabihin ang totoo mong damdamin lalo na kung ang pagsasabihan ay taong malapit sa akin. Magkaibigan kami at magkaklase sa kolehiyong aking pinapasukan, dun ko sya unang nakita at nasulyapan. Malambing ako sa aking mga kaibigan, malapit, at palaging para sa kanila ay nariyan kaya naman nung minsan may isang babae sa akin ay nabaitan.
Nagkagusto sya sa akin sa pag-aakala na ako sa kanya ay may pagtingin, ngunit ang di nya batid para sa akin siya ay para kong kapatid. Natuklasan nya na ako ay may gusto sa iba, at ang malala pa ito ay taong lagi nyang kasama. Nasaktan ko sya ng di ko sinasadya, di ko ginusto na gawin ito syo.
Di ko masabi sa aking iniirog ang damdaming pilit na kumakawala sa akin, dinaraan ko na lang sa pagbibigay ng kung ano-ano baka sakaling maisip nya na sya ay espesyal sa akin. Bakit ba di ko masabi? na sana ikaw ay laging nasa aking tabi. Laging ikaw ang laman ng aking isipan at kung ano ang gagawin kong paraan, kung paano ko sasabihin "Mahal kita kaibigan".
Ngunit kahit anong mangyari, handa akong maghintay dito sa isang tabi kung kailan mo mapapansin ang lihim kong pagtingin. Sa iyo ko lang ito nadama, at pakiramdam ko ikaw lang ang sa akin ay magpapaligaya. Sana dumating ang panahon, na damdamin ko para syo ay magkaroon ng tugon. Kapag nasabi ko syo ang aking naradama sana ay wag mo ako iwasan aking sinta, sobrang sakit ang idudulot noon sa puso ko kapag iyon ay nagkatotoo.
ito na ang iyong kwento, iedit na lang natin kung may ipapadagdag ka pa po. hirap mo kasi gumawa kung di ko alam ang buong istorya.... para syo JP!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento