Martes, Setyembre 6, 2011

INA

Ang blog kong ito ay para sa iyo, dito ko sasabihin ang mga bagay na sa iyo ay di ko maparating. Di ko na maalala kung paano nag umpisa, siguro kasi iyon isang bagay na ayoko na maalala. Ang daming bagay sa buhay ko na sana ikaw ang aking karamay pero wala ka at busy maghanapbuhay. Di ko maintindihan bakit ang mga bagay na aking nararamdaman lalo na kapag ako ay nasasakatan syo ay di ko mapaalam. Lumaki ako na di tayo malapit, kaya sa iba ako lagi lumalapit. Noon pakiramdam ko wala akong kwenta syo kasi ako lang yata sa aming apat ang di mo paborito. kaya sa paglipas ng mga taon galit ang aking tugon, kasi di ko pa naiintindihan noon bakit tayo ganon.

Aminado ako sa dami ng kasalanan ko, nasaktan kita ng todo todo. Ang di ko napansin ay ang iyong pagtingin sa akin dahil sa aking dibdib galit ang aking itinanim. lagi ko ikinukumpara ang pagtrato mo sa akin at sa kanila, akala ko kasi nung una malas ako at swerte sila. Ang di ko napuna ay mas inalalayan mo ako kesa sa kanila kaya ako pala ang swerte at di sila.

Sa tuwing ako ay magkakamali lagi ka nadyan nakasalo sa akin, ikaw ang katulong ko magpalaki sa aking panganay na si moki at ngayon dalawa na sila nadyan ka pa rin sa aking tabi. Kahit kelan di mo ko iniwanan lalo na sa mga pagkakataon na ako ay nasasaktan, di man tayo nag uusap ngayon dama ko na, lagi ako ang nasa isip mo aking ina. Lagi mo inaalala kung paano na ako kapag nawala ka, dahil nasanay na ako na lagi kang nakasuporta.

laking pasasalamat ko ng ako ay bigyan mo pa ng huling pagkakataon, kaya ngayon ikaw na naman mag-isa ang nag-aalaga sa dalawang bata. wag ka mag alala ina, pangako ko, itong kurso na aking kinuha ngayon ay tatapusin ko. Salamat ng marami sa matyaga mong pag intidi sa akin at walang kapantay ang pagmamahal na ipinapakita mo sa amin. Ngayon ko lang to sasabihin bagay na minsan gusto ko sambitin, MAHAL KITA AKING INA sana sa iyo'y makarating.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento