Huwebes, Setyembre 1, 2011

MASKARA


Lahat ba ng oras ay pinapakita mo ang totoo mong pagkatao? Ugali? O gusto? Sa dami kong pinagdaan sa buhay, natuto ako magsuot ng masKara sa mga  taong aking nakakahalubilo. Ayoko makita nila ang totoong ako, mahirap kasi na mapagsamantalahan o maabuso ng mga taong importante para akin. Masakit isipin na may mga taong kang pinahahalagahan pero na dyan lang pala sila dahil sila ay may kailangan, wala silang pakialam sa iyong mararamdaman.

Grabe ako makisama sa mga taong tinuring kong aking kaibigan, lagi ko inisip kung paano ko sila mapapasaya upang ako ay kanilang magustuhan at wag iwanan. Ngunit sadyang may mga taong mapanglinlang at kaya ka nila paniwalain na sila ay totoong kaibigan ngunit ang di mo alam ay tinitira ka ng talikuran.

Minabuti kong magsuot ng maskara upang di sila makampante na lumapit sa akin at maging malapit sa akin, dami ko na kasing karanasan sa mga taong mapagsamantala, na nagkalat sa kalsada. Pero bakit ganito parang di ko na kilala ang sarili ko, mas nananaig na ang mascara ko kesa sa totoong ako. Ayoko na ng ganito, paano ko ngayon tutuklasin kung sino ako. Sa tagal kong suot ang aking maskara ko di ko na yata kaya hubarin pa ito. Kaya payo ko sa mga taong tulad ko, pakatotoo na lang tayo at hayaan ang mga taong ganid sa mundo, at least alam natin na tayo ay mabuti at di natin kailangan magkubli.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento