Ito ay kwento ng isa sa aking mga kakilala, humiling kasi sya na isulat ko ang kanyang istorya. Sige pagbibigyan kita, sana mag enjoy ka. Tatlo silang magkakabarkada, parepareho silang galing sa sirang pamilya. Lahat sila ay kulang sa atensyon ng magulang kasi busy sa pagpapayaman. Umaga pa lang sila ay lagi ng magkakasama, lahat kasi sila ay tumigil sa eskwela.
Ang hilig nilang gawin ay tumambay, magyosi at uminom ngunit ng lumaon sa droga naman sila nalulong. Masaya sila nung una, akala kasi nila ay nakakalimutan nila ang problema. Nagsimula sila sa papiso-piso ngunit di pa sila nakuntento, hanggang sa punto na naadik na sila dito. Meron silang suking kinukuhaan at meron tong tatlong tauhan, kanang kamay kung sila ay tawagin at dun sila kumukuha ng gagamitin.
Isang araw sila ay kukuha, di nila makontak ang tatlong tagadala. Sinadya nila ang mismong nagbebenta at laking gulat nila ng malaman na ang tatlo pala ay tiwalag na. Nahuli kasi ng babaeng amo na ang tatlo ay kakuntyaba sa panggagago at pangbabae ng asawa nyang lalake. Nagalit si babae sa tatlo nyang tauhan di alintana ang problemang kakasangkutan.
Wala na syang service sa kinukuhaang drug lord, at wala na rin syang taga deliver sa mga parokyano nya noon. Tamang tama naman ang pasok ng tatlong babae, nakamotor din kasi sila at di pager pa. Sinubukan sila nung source na babae, nagbabakasali na papasa sila na kanang kamay nya. At di naglaon naging ganon na nga ang tema, ang mga parokyano ngayon ay naging sosyal na. Magpepage na lang sila kung kailangan nila ng droga, at least mas safe na at mas mabilis pa.
Ngunit sadya yatang di sila nakalaan sa ganong kalakaran, dumating sa punto na naging mainit sa pulis ang grupo. Raid dito raid doon yan ang nangyari sa kanila noon, napagod ang isa sa kanila sa ganoong sitwasyon. Ito ang nasabi nya sa sarili nya noon "wala na bang bago at lagi na lang bang ganito, ayoko na nakakapagod". Buti na lang mabait ang kanyang amo, siguro dahil kilala na rin nito ang kanyang pagkatao. Di nya isusumplong ang grupo dahil naging parte na rin ito ng kanyang mundo.
Dahil dito nagulo ang kanyang mundo, doon nya napagtanto ang mga naging epekto. Nawalan ng tiwala sa kanya ang mga tao, lalo na ang pamilya nito. Ito ang isa sa mga bagay na di nya makakalimutan dahil laki ng hirap na kanyang pinagdaanan. Masaya naman ako dahil sya ay nagbago, di na nya binalikan ang magulong mundo.
At least ngayon masasabi ko, di totoo ang pahayag ng ibang tao na kapag nalulong ka sa droga di mo na kakayanin kumawala. Maging aral sana ito sa mga kabataang nagbabalak subukan ito, walang maidudulot na maganda at masisira ang kinabukasan mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento