Hanggang saan at kelan ang kaya mo tiisin, para sa taong iyong iniibig? Paano mo malalaman na ayaw mo na kung paligi mo pa rin syang kasama? Ano ang kaya mo ibigay upang ipaalam sa kanya na sya ang iyong buhay. Mahirap umibig na totoo lalo na sa panahong ganito, madami na kasi ang siraulo walang pakundangan sa nadarama mo.
Bakit ganon ang mundo, kung sino ang mga seryoso napupunta naman sa kamay ng mga gago. Ginagamit ang pag-ibig na nadarama mo upang makuha ang kanilang gusto, bibilugin ang iyong ulo sa mga matatamis na salita na akala mo ay totoo. Akala nya sya ang matalino at ikaw ang bobo, ang di nya alam ay nagmamahal ka lang ng totoo. Hintayin niyang mapatid ang iyong pisi ng sya sa huli naman ang magsisi at sasabihin nya sa kanyang sarili "Ang bobo ko talaga! nasa akin na pinakawalan ko pa."
Minsan lang dumarating ang pag-ibig na totoo, ngunit di natin binibigyang halaga lalo na kung ang nag-aalok nito ay tao na di natin gusto. Bakit di mo subukan buksan ang puso mo, ng makita mo lahat ng ginagawa nya para syo. Ganito lang yan, cycle lang naman yan. Pansinin mo kung ano ginagawa mo sa kanya upang malaman nya na mahal mo sya ay ginagawa naman syo ng taong lihim na nagmamahal syo. Kaya minsan gusto ko maniwala sa sinasabi ng matatanda, bakit ka pa hahanap ng iba eh nasa harapan mo na.
Wag ka mawalan ng pag-asa kaibigan, malay mo naman sya ay matauhan. Maaga pa naman at madami pa kayong pagdaraanan, sana lang habaan mo ang iyong pang-unawa sa taong di biniyayaan ng awa. Kaya yan mo, ipakita mo lang sa kanya kung ano katangian meron ka na never nya makikita sa iba. Para kung ikaw man ay iwan nya, alam mo sa iyong sarili na wala kang pagkukulang at sya ang may dahilan.
Meron nagsabi sa akin nito, try mo baka effective syo. Ok lang na ikaw ang masaktan at iwanan kesa ikaw ang makasakit at mang iwan, makakarma rin ang mga taong yan. tandaan mo ang pag-ibig ay isang klase ng oportunidad, minsan lang kumatok kaya wag mo ng palagpasin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento