Sabado, Setyembre 17, 2011

TAKOT

Di ko inaasahan na magiging tayo, wala kasi sa isip ko na ikaw ay mamahalin ko. Sana nakuntento na lang ako na magkaibigan tayo para hindi tayo ngayon lito sa  dami ng mga pagbabago. Unti-unti nating natutuklasan ugali ng isa't isa na noon ay di natin alam, kaya kaya nating tanggapin ang mga bagay na pagkakaiba natin. Upang lalong tumibay ang pundasyon ng pagmamahalan at  tumatag ang relasyon na ating sinimulan.

Masaya naman ako sa mga ikinikilos mo, lalo na kapag sinosorpresa mo ako. Ikaw ang tipo ng lalake na di malambing at di ipinapakita ang nadarama, pero nalulunod naman ako sa saya kapag ito ay ginagawa mo na. Di ka mahilig mag I LOVE YOU, pero alam mo ba ang pakiramdam ko kapag iyon ay sinasambit mo. Parang ayaw na kitang bitiwan at pakawalan ng habang buhay tayong magmahalan.

Nakakatuwa na nagkakasundo tayo, kahit magkaiba ang ating mundo. Siguro ganon talaga kapag mahal mo ang isang tao, kaya mo intindihin ang mga bagay sa mundo. Natuto ako pagbigyan ang ibang tao, intindihin ka at unawain sa mga bagay na bago sa akin. Mas iniisip ko kung paano kita mapapasaya, di tulad noon na sarili ko lang ang mahalaga.

Salamat sa mga bagay na iyong binago sa aking pagkatao, marami ang natuwa at nabigla dahil sa nagawa mo. Di nila inakala na ako ay kaya pang baguhin at pasunurin, dahil sa tapang na meron ako bago ka dumating. Ngunit bakit ganito ako ay nagugulo, natatakot ako sa mga tumatakbo sa utak ko. Maraming pagkakataon na dama ko na ako'y mahal mo ngunit di ko maalis sa sarili ang takot na isang araw ako rin ay iiwan mo. 

Di ko kaya mawala ka pero mas di ko kayang makita kang di masaya, kaya ang naisip kong solusyon sa aking problema ay magpakasaya habang tayo ay magkasama. Kung darating man ang oras na tayo ay kailangan magpaalam, at least nadama natin na minsan tayo ay nagmahalan. 

I LOVE YOU BABY KO!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento