High school days ang pinakamasarap, yan ang totoo kahit kanino ka pa magtanong. Naaalala ko ang Adviser ko si Ms. Cenidoza ng APHS, napakatyaga nya sa batang katulad ko na medyo maldita. Sya rin ang teacher ko sa Chemistry at Physics, magaling sya magturo dahil para kang nasa comedy bar palagi. Di ka mabuburyong kapag sya ang iyong guro, maaaliw ka sa way nya ng pagtuturo.
Kahit ako ay salbahe, ni minsan di nya ako sinigawan. Dalaga pa sya noon, bata pa talaga pero kung kami ay itrato kala mo anak nya. Pwede mo syang lapitan lalo na't personal ang iyong pinagdaraanan, yun nga lang di ka nya kukunsintihin sa mali mong gawain. Apat kaming magkakabarkada, walang alam gawin kundi bigyan sya ng problema. Pasaway kasi kami at puro away ang dala. Ngunit kakaiba ang kanyang ginawa, kesa kami ay pagalitan, inalam nya muna ang dahilan.
Inalam nya ang kanya kanyang naming istorya, mga bagay na di namin maishare sa iba. Lahat pala kami ay may problema sa bahay, kulang sa atensyon at panahon ng magulang. Araw araw kami ay kanyang kakamustahin, maggugugol sya ng konti nyang panahon sa amin. Sa aming apat yun ay sapat na upang kami ay medyo magpakatino na.
Sa dami ng kurso education ang pinili ko, nainspire kasi ako sa dating adviser ko.Di lahat ng guro ay ganyan, yung tipong sa buhay ng estudyante ay may pakialam Gagayahin ko sya, tutulong ako sa iba. . Kaya sana yung mga guro na at di marunong magpahalaga sa damdamin ng estudyante nya, may pag-asa ka pa sana ay magbago ka.
Para po syo Ma'am Cenidoza ng APHS. Salamat po!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento