Sabado, Setyembre 3, 2011

GUSTO KITA AT MAHAL KITA ANO ANG PINAGKAIBA?


Nainspired ako isulat ang inyong kwento pero wag ka mag alala dahil di ako magbabanggit ng pangalan dito. Gusto kita at mahal kita ano nga ba ang pinagkaiba? marahil kayo ay nalilito at nagtataka why natin pag uusapan ang dalawang bagay na ito, gusto ko lang tuklasin kung sino ang may punto. Ang salitang "gusto kita" di ba ang simula bago maging mahal kita, kaya lang depende po kasi yan sa taong ating ginugusto. May iba't ibang level ang pagkagusto, baka gusto ka nya as kaklase, kalaro, kaibigan, kaaway o kasintahan.

Ito ang inyong kwento, noong simula kayo ay magkaklase lang. Nagulat na lang ako ng aking mabalitaan na close na kayong magkaibigan. May nireto sya sa iyo, pero di mo gusto dahil alam mo sa sarili mo kung sino ang gusto/mahal mo. Sa paglipas ng mga araw ng kanyang pagiging tulay ay sya namang pagtindi ng iyong lihim na pagtingin na gusto mo sanang sabihin. Mas pinili mong manahimik at di magtanong kahit sa totoo lang ang dami mong tanong. Kaya heto ka ngayon parang hilong talilong.

Laki ng aking pagkabigla ng kahapon ay aking marinig, na ang iyong gusto ay may iba palang iniibig. Alam ko ang sakit ng iyong pinagdaraanan lalo na ng sabihin mo sa kanyang harapan na ikaw ay ok lang. Ang mahirap kasi sa inyong sitwasyon ay nilunod ka nya sa mga maling persepsyon at nagpalunod ka naman sa iyong emosyon. Pero wag ka mag alala girl, may pag asa ka pa, chos!. dahil ang kanyang sinisinta ay meron naman yatang mahal na iba. 

Ito ang aking konklusyon sa mga ganitong sitwasyon, iwasan natin ang sobra sobrang pagpapakita ng kabaitan sa mga taong laging nadyan kasi di natin namamalayan sila ay nahuhulog na ng walang kalaban laban. Tao lang sila may mga pangangailangan pero wag nating ibigay kung di mo kayang panindigan. Alisin natin sa ating isip na ang dalawang yan ay magkakonekta, dahil may mga pagkakataon na hanggang GUSTO lang ang kaya at kahit kelan di magiging MAHAL KITA. At lagi nating tatandaan wag nating pagsamantalahan ang kanilang kahinaan, tao rin sila marunong masaktan kaya sana naman minsan ay ating alagaan.

Para syo itong storya ko, di ko n sasabihin ang name mo alam ko alam mo. wag ka na sad girl, kung di kaya kaya mahalin kami mahal ka namin.....I LOVE YOU F.E.S!

1 komento:

  1. Grabe , Same po kame ng story . Ang pinagkaiba Lang po may isang mag-bestfriend na may gusto sa akin mga kaklase ko po sila , Yung isa po ay sinubukan akong Ligawan at di nagtagal sinagot ko rin sya ngunit yung bestfriend nyang isa ay parang mahal ko rin , Yung ka-on kong isa ay yung taong gusto ko pero sa bestfriend nya ako sumasaya. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko yung bestfriend nya po kase ang naglakad sa kanya at nalaman ko rin na gusto rin po ako nung bestfriend nya pero dahil nga may kaon na ako , Inniwasan na ako nung bestfriend nya dahil nga may BF na ako , PAHINGI RIN PO NG ADVICE !

    TumugonBurahin