Biyernes, Setyembre 30, 2011

DAPAT AT DI DAPAT GAWIN

Sa isang relasyon dapat ay alam natin ang mga dapat at di dapat gawin upang hindi masira ang samahan at tiwala ng dalawang magkasintahan. Dito kasi nagsisimula ang di pagkakaunawaan at mauuwi ito sa away, gulo o pagtatalo. Bago ka pumasok sa isang relasyon, isipin mo muna kung handa  ka ba talaga sa mga pagbabago na kadikit nito. Gawan natin ng listahan, isa kay lalake at isa kay babae para mas maliwanag at maintindihan mong mabuti.

PARA KAY BABAE :

1. Matuto ka sumunod kay lalake kung ito naman ay mas nakakabuti ( bisyo, pananamit at pagkilos ).
2. Huwag mo sya pigilan sa mga lakad nya na di ka naman pwede isama ( boys night out ).
3. Bawal mag-entertain ng manliligaw kahit pa nagtapat syo ang ibang lalake na gusto ka nito.
4. Siguraduhin mo na alam ng karelasyon mo na kahit sino pa ang iyong makilala sya pa rin ang pinakagwapo sa paningin mo ( kunwari si Aga, Richard, Derek, or Sam Milby).
5. Huwag ka magkukumpara ng ginawa syo ng noon mo na di magawa ng sino mang kasama mo ngayon. ( big no no...).
6. Irespeto mo sya at tanggapin ang mga pagkukulang nya ( magdasal ka na lang na magkusa sya magbago, asa ka pa ).
7. Huwag maging materialistic, mas importante anng mahal ka kesa sa mga bagay na pwede nya ibigay syo o pwede mong makuha ( di kasi sila kasing sweet natin, intindihin na lang natin ).
8. Huwag maging madamdamin kung makalimutan nilang ang date na importante para sa atin ( mas magaling lang talaga tayo magmahal ).
9. Huwag pakialam ang telepono nya kahit feeling mo may himala na nangyayari ( wag ka mag-alala makakarma din yan ).
10. Sabihin mo ang iyong mga personal na lakad, ipaalam lang at di need magpaalam ( ganyan talaga tiisin natin kahit alam ko karamihan ng babae kapag di pinayagan susundin pa rin nila ang kanilang kasintahan ).

PARA KAY LALAKE :

1. Huwag naman masyado maghigpit at mag-expect na kapag sinabi mo na baguhin eh kailangan agad gawin o sundin ( wow tao yan mga yan may adjustment period yan, wag ka maghanap ng himala ).
2. Huwag mo sya pigilan sa mga lakad nya na di ka naman pwede isama ( girls night out ). Pero kapag gusto ka naman nya isama at pwede naman pala magsama aba pumayag ka naman at wag ka mag-inarte ( madami kasi lalake takot kasama ang mga kaibigang babae/lalake ng kasintahan nila ).
3. Bawal makipaglandian at mag-entertain ng babae kahit sabihin pa nito o ipadama na gusto ka nya ( makunsensya ka naman damuho ka ).
4. Siguraduhin mo na alam ng karelasyon mo na kahit sino pa ang iyong makilala sya pa rin ang pinakamaganda sa paningin mo ( kunwari si Anne Curtis, Angel, Kristine etc. ).
5. Huwag ka magkukumpara ng ginawa syo ng noon mo na di magawa ng sino mang kasama mo ngayon. ( big no no...).
6. Matuto ka naman mag appreciate ng mga bagay na ginagawa nya para syo ( kadalasan kasi mga lalake ganyan, para sa inyo maliit na bagay lang yun di nyo alam pinaghirapan naming mga babae yan )
7. Huwag maging materialistic, mas importante anng mahal ka kesa sa mga bagay na pwede nya ibigay syo o pwede mong makuha ( at pwede ba matuto ka rin naman magbigay, wala sa presyo yan ang importante naalala mo sya kahit walang okasyon at lalo na kung mag okasyon ).
8. Bumili ng malaking kalendaryo at idikit sa noo mo at ilagay mo, bilugan mo ang mga date na importante sa kasintahan mo ng matuwa naman sya syo ( di po pagiging korni ang pagsecelebrate ng monthsary at anniversary at wala pong pinipiling edad yan, ibig sabihin lang non ganon ka nya kamahal ).
9. Huwag ka namang garapal na makipagtext pa sa iba lalo na sa mga babae na alam mo na may interest syo at inyong pinagtatalunan ( sa iyo kaya gawin yan sa tingin mo ano ang pakiramdam ).
10. Sabihin mo ang iyong mga personal na lakad, ipaalam lang at di need magpaalam ( pero sana maisip mo na minsan sinasagot lang ng babae eh ok lang pero ang totoo eh ayaw ka nya payagan, gamitin mo yang pakiramdam mo kung talagang mahal mo syang totoo dapat tingin pa lang sa kanyang mga mata alam mo na kung nasasaktan mo sya ).

Iyan ang mga pagbabago na iyong maiingkwentro, kaya ikaw ba ay sigurado sa pinasok mo. Kung di mo kaya ang listahan sa itaas eh tumigil ka na hanggat maaga pa kesa dumating sa punto na makasakit ka pa. Ang magmahal at umibig ay masaya, nakakagaan ng pakiramdam, nakakainspire ngunit huwag mong isipin at huwag kang umaasa na lagi lang puro ligaya, may mga pagtatalo at gulo at ito ang magiging pundasyon mo upang malaman mo kung talagang siya ang para sa iyo.

Martes, Setyembre 27, 2011

TANONG

Huwag ka magtataka kung sya ay tipo ng matanong, di mo ba alam ang dahilan bakit sya nagkakaganon. Hindi sya magtatanong kung sya ay nakukuntento sa ngayon, ibig sabihin non maraming butas sa inyong relasyon. Sasabihin ko syo ang ugali ng mga babae, kasi minsan may kanya kanya rin kaming diskarte.

Kapag nagtatanong si babae, ibig sabihin mahal ka talaga nya at natatakot lang sya na baka mawala ka. Sinisigurado nya na sya ay mahal mo kaya gusto nya lagi ito ay sinasambit mo. Huwag kang mainis dahil normal lang iyon lalo na sa tipo mo na di usually sinasabi yun. Sana intindihin mo bakit sya nagkakaganon hindi reaksyon mo eh tila ikaw ay napipikon.

Swerte ka at ikaw ang minahal nya, alam ko na alam mo wala ka ng makikita na tulad nya. Ikaw na ang nagsabi sya na para syo ang pinakamabait na babae, dahil sya ay ibang iba sa mga babaeng iyong nakasama. Ang mga babae ay likas na mahaba ang pasensya lalo na kapag sila ay nagmamahal na. Ngunit huwag mo sagarin at huwag ka magpakampante dahil baka magulat ka na isang araw sya ay wala na pala.

Kaya hanggat nadyan sya sa iyong piling, matuto ka pahalagahan ang kanyang damdamin. Ipakita mo sa kanya at  ipadama ang pagmamahal na iyong nadarama, tignan mo isang araw ay magugulat ka dahil matatahimik na sya at kayo ay pareho ng masaya.

Lunes, Setyembre 26, 2011

NASA LOOB ANG KULO

Nakakainis isipin na madaming babaeng papansin, di mo ba mahintay na ikaw ang una nyang punahin. Wag ka masyadong mangarap lalo na kung tao pala ang iyong pinapangarap, yan ang isang bagay na di mo kayang abutin dahil kusa po itong dumarating sa atin. Sana iyong mapuna na nagmumuka kang tanga sa mga taong nakakabasa ng wall mo na nakakairita.

Napupulaan ka ng mga mambabasa na malandi ka palang talaga, naglalagay ka pa ng initial kala mo naman di namin kilala. Muka kang inosente tahimik ka kase ngunit di pala totoo kase nasa loob ang kulo mo. Buti pa ang mga babae na napapagkamalan na palaban, at least ang katotohanan ay ang kabaligtaran. Di tulad mo na kung umasta ay akala mo madre yun pala naman eh saksakan ng kati.

Kahit anong gawin mo di ka papansinin ng lalakeng gusto mo, dahil di sya mahilig sa babaeng malandi na tulad mo. Matuto ka maghintay na masilayan ang iyong ganda hindi yung ikaw mismo nilalantad mo ang iyong nadarama. Ang pagkakaalam ko kase dapat lalake ang lumalapit at nagtatapat ng kanilang damdamin hindi yung kabaligtaran na ikaw ang nagpapapansin.

Pero sabi nga nila libre naman mangarap kaya lang di ka kaya bangungutin kung lagi kang ganyan na nangangarap kahit gising. Ewan ko syo masyadong mataas ang bituin na gusto mong abutin, sana lang di ka malaglag sa putikan dahil ikaw ay aming pagtatawanan...

Sabado, Setyembre 24, 2011

KRIMEN

Ito ay isang bagay na aking napuna at ako ay nag-aalala para sa kinabukasan ng iba. Nabalitaan nyo ba ang guro na sinaksak ng estudyante nya? eh ang dalawang kabataan na nagbaril at namaril sa mall? magandang halimbawa ito ng emosyon at edukasyon.

Madami ang nagreact ukol sa estudyanteng na nanaksak ng guro, at sila ay nagpokus sa nagawa lang ng estudyante. Sana po ay tignan natin ang ibang anggulo, dahil minsan iyon ang masakit na totoo. Pansinin mo sa mga paaralan, marami ng issue ng mga guro na may katiwalian. Guro na nananakit at namamahiya akala mo ba ikaw ay magandang halimbawa. Ikaw ang dapat nagtuturo ng tama sa bata, ngunit dahil sa iyong pagmamalupit sila ay natututo ng magtanim ng galit. 

Lahat ng bagay ay may dahilan, di naman pwede na ikaw ay basta sinaksak lang. Malamang may nagawa ka sa batang yan upang iyong maitulak na gumawa ng krimen na ganyan. Ang paraan na iyong alam ay hindi applicable sa lahat ng nilalang, sana isipin natin na iba't iba ang ating damdamin. Kung sa ibang estudyante ay ok lang mapahiya at masaktan sana maisip natin na di lahat ay ganyan.

Sana lang sa ating mga guro, maibalik ang dating magandang way ng pagtuturo. Ang guro ang pangalawang magulang natin paglabas ng tahanan, kaya sana ito ang ating maramdaman kapag tayo ay nasa eskwelahan. Isipin mo na ikaw ay may anak din, gusto mo bang gawin ng ibang tao o guro sa anak mo ang way ng pagtuturo ng ginagawa mo sa estudyante mo.

Ang bawat bata ay iba, di lahat matapang at lumalaban. What if magpakamatay yan dahil sa kahihiyan, di ba konsensya mo rin yan. Kaya sana tayo ay mag-isip ng ibang anggulo, isipin natin na kaya nagagawa yun sa kanila ng ibang tao dahil sila mismo ang nagtulak sa mga ito. 

At pwede ba ninyong tigilan ang katarantaduhan na iniisip nyo na ibaba ang edad ng mga bata na dapat ideretso sa kalungan. Kaya nga po sa DSWD ang tuloy ng mga kabataan na nagkasala, upang sila ay maturuan, mabago at maipaliwanag ang mga bagay na ginawa ng mga ito. Kung sila ay isasama mo sa mga kriminal sa kulungan sa tingin mo ba sila ay iyong matutulungan. 

Ang mga bata o kabataan ay madali maturuan, kung kriminal ang kanilang makakasama sana maisip natin ano ang kahihinatnan ng mga batang yan.Possibleng sila ay mapagsamantalahan ng mga matatandang nasa loob ng kulungan, at pwede rin na kesa sila ay mabago at magsisi sa nagawa nilang kamalian ay paghihiganti ang kanilang isipin at planuhin.

Huwag mo isara ang isip mo sa mga di magagandang nangyayari sa paligid mo, matuto tayo magsalita lalo na kung may nakikita ka ng di tama. Ano ang pakiramdamn mo kung iyon ay ginawa sa iyo tapos walang kayang magtanggol syo dahil sa takot ipaalam ang totoo.....Matuto kang magsalita, lalo na kung ikaw ay tama....

KAMUNDUHAN AT PAG-IBIG

Nakakatuwa kapag ito ay napag-uusapan, iba't iba kase ang opinion ng bawat isa at kalimitan ay debate ang kakalabasan. May matututunan naman tayo kapag ito ang pinag-uusapan, makikita at malalaman mo ang pananaw ng mga tao ukol sa paksa na ito. Nasa iyo na ang iyon kung tatanggapin mo at iindihin na possible nga ang paliwanag ng mga kasama mo.

May nakapagsabi sa akin, "kapag ang relasyon nag-umpisa sa sex di daw seryoso yun at yun lang ang gusto" pero may sumagot naman ng "oo totoo yan pero pare may pagkakataon na sa una lang sex ang habol mo pero unti unti kapag nakasama mo na at nalaman ang ugali minsan nadedevelop na ang dalawang nilalang."

Pareho silang may punto di ba, depende na lang yan sa kung ano ang iyong pagkatao. ikaw ba ay konserbatibo o ikaw ay liberated. Ito pa ang maganda "pare kahit saang angulo nyo tignan kapag naghiwalayan talo ang babae" at nagulat naman ako at may sumigaw na babae "bakit talo anong problema mo? bakit akala nyo ba lalake lang marunong manggamit, wat if sabihin ko syo na may babae din na katawan lang ang habol sa lalake" kami ay natigilan dahil nagulantang.

May mga ganong tao di lang natin alam, masyado kasi tayo nagpopokus sa makalumang kaugalian. Akala natin lalake lang ang ganyan, di mo alam konteydyus pala yan. Ang mga babae natututo na lumaban at makipagsabayan, iba na sila mag-isip ngayon at manindigan. Di na sila pumapayag na sila ay sunodsunuran sa nga utos ni lalake na noon ay nakasanayan.

Namulat tayo na lalake lang ang may karapatan na gawin ang mga bagay sa mundo ng walang pakundangan. Magbigay tayo ng halimbawa upang ating maintindihan: Sa sitwasyon ng magkarelasyon at si lalake ay biglang nambabae at di pa nakuntento sinawsawan pa ito. Lahat ng tao lagi ito sinasabi "ok lang yun wala naman nawala kay lalake".

Pwede ba wag ka tanga at mag-isip ka, lahat ng lalake basta sumawsaw sa ibang babae ay walang kwenta at di pwede ipagmalaki. Akala mo walang nawala syo pero ang totoo ay malaki, ang tiwala na ibigay syo ng kasintahan ay kailanman di kaya ibalik kahit sabihin mo pa na ikaw ay magbago at bumait. Mawawala na rin ang katahimikan sa inyong pagsasama dahil lagi maiisip ni babae ang bagay na ginawa mo na sa kanya ay nakasakit.

Kaya nagkaroon ng mga babae na marunong na manloko dahil minsan sa buhay nila nung sila ay nagmahal ng totoo ay meron lalake na sa kanila ay nanggago. Walang babae na pinanganak na manloloko at lalakero ngunit sila ay nababago ng mga karanasan nila sa mundo. Kaya ito ang inyong tandaan, wag mo gawin sa iba ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo. 

Naiintindihan ko kapag ang babae ay bigla ng nagbago at nakipagsabayan, ngunit para sa akin iba pa rin ang dapat gawin ng mga kababaihan. Naniniwala kasi ako sa karma, di man ako makaganti or makabawi alam ko naman na babalik yun sa kanila at 100 times pa. Ang sex at love ay dalawang bagay na mahirap saklawan, kaya sana ay ating pangalagaan. Lagi magkadikit ang salitang yan, pero sana matutunan natin gamitin ng wasto ng wala tayong masaktan.......

Biyernes, Setyembre 23, 2011

DIARY

Paano mo inilalabas ang nadarama mo? nagtatanong lang ako kasi di ko alam kung paano ba maging totoo. Di ako sanay sabihin ang di magandang nangyayari sa akin, lalo na kapag nasasaktan ang aking damdamin kaya ang lagi ko kakampi ay ang papel at bolpen. Tuwing sasapit ng bagong taon siguradong may bago akong notebook non, lagi kasi akong umaasa na may maganda na akong mga istorya.

Naadik ako bumili ng mga notebook na maganda at mga gel pen na kakaibang kulay ang tinta, sabi ko kasi at least kahit man lang sa notebook ko maging makulay sana ang aking mundo. Ngunit di sapat ang mamahaling at magagandang notebook, wala rin nagawa ang makukulay kong panulat upang mabago ang aking mga kwento. Doon ko kasi inilalabas ang lahat ng sakit at karanasan ko sa mundo, kaya diary ang itinawag ko dito.


Mapapansin mo sa kabinet ko ang collection ko ng notebook na kakaiba ang mga disenyo, at nahahaliti ito sa dalawang grupo. Yung una ay mga wala pang sulat, itinatabi ko baka sakali na magamit ko kapag dumating ang panahon na masaya na ako at kuntento. Ang pangalawa ay mga notebook ko na puro hanggang sa pangatlong pahina lang ay may sulat, ibig sabihin kasi noon ang puso ko ay muling nagkaroon ng sugat at pilat.

Tahimik kasi ako, lalo na kapag nasasaktan ako. Isinusulat ko na lang ang nadarama ko habang tumutulo ang luha ko, iwas away at iwas gulo. Nasanay na yata ako na lagi ako nasasaktan, kaya naman nakakasulat lang ako kapag ako ay may pinagdaraanan. Nakakapagod pala ang mangarap at umasa na isang araw ako rin ay magiging masaya. 

Bilin ko man ang lahat ng notebook at bolpen sa mundo, wala itong kwenta kung wala naman akong magandang kwento na maisusulat dito. Kaya siguro naimbento ang site na ito upang di na ako gumastos masabi ko lang o masulat ang nadarama ko.

abangan......

Lunes, Setyembre 19, 2011

ANG AKALANG SOLUSYON

Ito ay kwento ng isa sa aking mga kakilala, humiling kasi sya na isulat ko ang kanyang istorya. Sige pagbibigyan kita, sana mag enjoy ka. Tatlo silang magkakabarkada, parepareho silang galing sa sirang pamilya. Lahat sila ay kulang sa atensyon ng magulang kasi busy sa pagpapayaman. Umaga pa lang sila ay lagi ng magkakasama, lahat kasi sila ay tumigil sa eskwela.

Ang hilig nilang gawin ay tumambay, magyosi at uminom ngunit ng lumaon sa droga naman sila nalulong. Masaya sila nung una, akala kasi nila ay nakakalimutan nila ang problema. Nagsimula sila sa papiso-piso ngunit di pa sila nakuntento, hanggang sa punto na naadik na sila dito. Meron silang suking kinukuhaan at meron tong tatlong tauhan, kanang kamay kung sila ay tawagin at dun sila kumukuha ng gagamitin. 

Isang araw sila ay kukuha, di nila makontak ang tatlong tagadala. Sinadya nila ang mismong nagbebenta at laking gulat nila ng malaman na ang tatlo pala ay tiwalag na. Nahuli kasi ng babaeng amo na ang tatlo ay kakuntyaba sa panggagago at pangbabae ng asawa nyang lalake. Nagalit si babae sa tatlo nyang tauhan di alintana ang problemang kakasangkutan.

Wala na syang service sa kinukuhaang drug lord, at wala na rin syang taga deliver sa mga parokyano nya noon. Tamang tama naman ang pasok ng tatlong babae, nakamotor din kasi sila at di pager pa. Sinubukan sila nung source na babae, nagbabakasali na papasa sila na kanang kamay nya. At di naglaon naging ganon na nga ang tema, ang mga parokyano ngayon ay naging sosyal na. Magpepage na lang sila kung kailangan nila ng droga, at least mas safe na at mas mabilis pa.

Ngunit sadya yatang di sila nakalaan sa ganong kalakaran, dumating sa punto na naging mainit sa pulis ang grupo. Raid dito raid doon yan  ang nangyari sa kanila noon, napagod ang isa sa  kanila sa ganoong sitwasyon. Ito ang nasabi nya sa sarili nya noon "wala na bang bago at lagi na lang bang ganito, ayoko na nakakapagod". Buti na lang mabait ang kanyang amo, siguro dahil kilala na rin nito ang kanyang pagkatao. Di nya isusumplong ang grupo dahil naging parte na rin ito ng kanyang mundo.

Dahil dito nagulo ang kanyang mundo, doon nya napagtanto ang mga naging epekto. Nawalan ng tiwala sa kanya ang mga tao, lalo na ang pamilya nito. Ito ang isa sa mga bagay na di nya makakalimutan dahil laki ng hirap na kanyang pinagdaanan. Masaya naman ako dahil sya ay nagbago, di na nya binalikan ang magulong mundo.

At least ngayon masasabi ko, di totoo ang pahayag ng ibang tao na kapag nalulong ka sa droga di mo na kakayanin kumawala. Maging aral sana ito sa mga kabataang nagbabalak subukan ito, walang maidudulot na maganda at masisira ang kinabukasan mo.

Linggo, Setyembre 18, 2011

LIHIM NA PAGTINGIN

Ang hirap sabihin ang totoo mong damdamin lalo na kung ang pagsasabihan ay taong malapit sa akin. Magkaibigan kami at magkaklase sa kolehiyong aking pinapasukan, dun ko sya unang nakita at nasulyapan. Malambing ako sa aking mga kaibigan, malapit, at palaging para sa kanila ay nariyan kaya naman nung minsan may isang babae sa akin ay nabaitan.

Nagkagusto sya sa akin sa pag-aakala na ako sa kanya ay may pagtingin, ngunit ang di nya batid para sa akin siya ay para kong kapatid. Natuklasan nya na ako ay may gusto sa iba, at ang malala pa ito ay taong lagi nyang kasama. Nasaktan ko sya ng di ko sinasadya, di ko ginusto na gawin ito syo.

Di ko masabi sa aking iniirog ang damdaming pilit na kumakawala sa akin, dinaraan ko na lang sa pagbibigay ng kung ano-ano baka sakaling maisip nya na sya ay espesyal sa akin. Bakit ba di ko masabi? na sana ikaw ay laging nasa aking tabi. Laging ikaw ang laman ng aking isipan at kung ano ang gagawin kong paraan, kung paano ko sasabihin "Mahal kita kaibigan".

Ngunit kahit anong mangyari, handa akong maghintay dito sa isang tabi kung kailan mo mapapansin ang lihim kong pagtingin. Sa iyo ko lang ito nadama, at pakiramdam ko ikaw lang ang sa akin ay magpapaligaya. Sana dumating ang panahon, na damdamin ko para syo ay magkaroon ng tugon. Kapag nasabi ko syo ang aking naradama sana ay wag mo ako iwasan aking sinta, sobrang sakit ang idudulot noon sa puso ko kapag iyon ay nagkatotoo.

ito na ang iyong kwento, iedit na lang natin kung may ipapadagdag ka pa po. hirap mo kasi gumawa kung di ko alam ang buong istorya.... para syo JP!

Sabado, Setyembre 17, 2011

PIGTAL

Hanggang saan at kelan ang kaya mo tiisin, para sa taong iyong iniibig? Paano mo malalaman na ayaw mo na kung paligi mo pa rin syang kasama? Ano ang kaya mo ibigay upang ipaalam sa kanya na sya ang iyong buhay. Mahirap umibig na totoo lalo na sa panahong ganito, madami na kasi ang siraulo walang pakundangan sa nadarama mo.

Bakit ganon ang mundo, kung sino ang mga seryoso napupunta naman sa kamay ng mga gago. Ginagamit ang pag-ibig na nadarama mo upang makuha ang kanilang gusto, bibilugin ang iyong ulo sa mga matatamis na salita na akala mo ay totoo. Akala nya sya ang matalino at ikaw ang bobo, ang di nya alam ay nagmamahal ka lang ng totoo. Hintayin niyang mapatid ang iyong pisi ng sya sa huli naman ang magsisi at sasabihin nya sa kanyang sarili "Ang bobo ko talaga! nasa akin na pinakawalan ko pa."

Minsan lang dumarating ang pag-ibig na totoo, ngunit di natin binibigyang halaga lalo na kung ang nag-aalok nito ay tao na di natin gusto. Bakit di mo subukan buksan ang puso mo, ng makita mo lahat ng ginagawa nya para syo. Ganito lang yan, cycle lang naman yan. Pansinin mo kung ano ginagawa mo sa kanya upang malaman nya na mahal mo sya ay ginagawa naman syo ng taong lihim na nagmamahal syo. Kaya minsan gusto ko maniwala sa sinasabi ng matatanda, bakit ka pa hahanap ng iba eh nasa harapan mo na.

Wag ka mawalan ng pag-asa kaibigan, malay mo naman sya ay matauhan. Maaga pa naman at madami pa kayong pagdaraanan, sana lang habaan mo ang iyong pang-unawa sa taong di biniyayaan ng awa. Kaya yan mo, ipakita mo lang sa kanya kung ano katangian meron ka na never nya makikita sa iba. Para kung ikaw man ay iwan nya, alam mo sa iyong sarili na wala kang pagkukulang at sya ang may dahilan.

Meron nagsabi sa akin nito, try mo baka effective syo. Ok lang na ikaw ang masaktan at iwanan kesa ikaw ang makasakit at mang iwan, makakarma rin ang mga taong yan. tandaan mo ang pag-ibig ay isang klase ng oportunidad, minsan lang kumatok kaya wag mo ng palagpasin.

TAKOT

Di ko inaasahan na magiging tayo, wala kasi sa isip ko na ikaw ay mamahalin ko. Sana nakuntento na lang ako na magkaibigan tayo para hindi tayo ngayon lito sa  dami ng mga pagbabago. Unti-unti nating natutuklasan ugali ng isa't isa na noon ay di natin alam, kaya kaya nating tanggapin ang mga bagay na pagkakaiba natin. Upang lalong tumibay ang pundasyon ng pagmamahalan at  tumatag ang relasyon na ating sinimulan.

Masaya naman ako sa mga ikinikilos mo, lalo na kapag sinosorpresa mo ako. Ikaw ang tipo ng lalake na di malambing at di ipinapakita ang nadarama, pero nalulunod naman ako sa saya kapag ito ay ginagawa mo na. Di ka mahilig mag I LOVE YOU, pero alam mo ba ang pakiramdam ko kapag iyon ay sinasambit mo. Parang ayaw na kitang bitiwan at pakawalan ng habang buhay tayong magmahalan.

Nakakatuwa na nagkakasundo tayo, kahit magkaiba ang ating mundo. Siguro ganon talaga kapag mahal mo ang isang tao, kaya mo intindihin ang mga bagay sa mundo. Natuto ako pagbigyan ang ibang tao, intindihin ka at unawain sa mga bagay na bago sa akin. Mas iniisip ko kung paano kita mapapasaya, di tulad noon na sarili ko lang ang mahalaga.

Salamat sa mga bagay na iyong binago sa aking pagkatao, marami ang natuwa at nabigla dahil sa nagawa mo. Di nila inakala na ako ay kaya pang baguhin at pasunurin, dahil sa tapang na meron ako bago ka dumating. Ngunit bakit ganito ako ay nagugulo, natatakot ako sa mga tumatakbo sa utak ko. Maraming pagkakataon na dama ko na ako'y mahal mo ngunit di ko maalis sa sarili ang takot na isang araw ako rin ay iiwan mo. 

Di ko kaya mawala ka pero mas di ko kayang makita kang di masaya, kaya ang naisip kong solusyon sa aking problema ay magpakasaya habang tayo ay magkasama. Kung darating man ang oras na tayo ay kailangan magpaalam, at least nadama natin na minsan tayo ay nagmahalan. 

I LOVE YOU BABY KO!

Biyernes, Setyembre 16, 2011

KUNG ALAM MO LANG

Nung una kitang nakita nabighani agad ang aking mga mata, may iba ka kasing awra na di ko nakita sa kanila. Nagkainterest akong ipagtanong ng iyong pangalan ng hindi naman ako tila humahanga sa kathang isip lang, masaya ako ng aking mapag alaman na "TOOOT" pala ang iyong pangalan. 

Sa araw araw na dumadaan ako ay nababalisa, parang kulang ang aking mundo kapag ikaw ay di nasisilayan. Mula sa malayo ikaw ay aking tinititigan, nangangarap na ikaw ay aking mahagkan. Laking tuwa ko ng ikaw pala ay aking kagrupo sa organisasyong sinalihan ko, at least ngayon may pagkakataon na maging close tayo ng makilala ko ang taong mahal ko.

Lalo ako humanga ng matukalasan ko na magaling ka maggitara, ako'y nahuhumaling sa angkin mong galing kaya heto ngayon ako puso ko'y iyo ng naangkin. Di ko maipaliwanag ang aking nadarama sa tuwing ikaw ay aking nakikita, gusto kitang alagaan at mahalin ng lagi kang masaya. Ngunit ang pag-ibig ko para sa iyo ay di ko pwedeng ipadama at ipakita dahil sa mata sa paligid na mapanghusga.

Kuntento na ako na ikaw ay mahal ko, at di ako umaasa na suklian mo ang nadarama ko. Sana wag ka magalit kung iyong matuklasan, at wag mo sana akong pagbawalan na ikaw ay aking hangaan. Ngayon alam kong ikaw ay may pinagdaraanan, gustohin ko man na ikaw ay suportahan di ko magawa dahil baka ako ay iyong iwasan.

Alam mo ba na miss na miss kita at gusto na kitang makita, ngunit pinaglalabanan ko ang aking isip. Ayokong makita na ikaw ay malungkot at nahihirapan dahil mas higit ang sakit noon sa akin kung iyon ay aking makita.
Sana maintindihan mo bakit di kita pinuntahan, dahil masasaktan akong labis na makita kang nahihinagpis. Mahal kita alam mo ba, sana ito ay iyong madama.

Lunes, Setyembre 12, 2011

TARA! SAMA KA!

Ang hirap kumilos kung ikaw ay mag-isa, kailangan sama-sama, tulungan at kailangan may supporta. Presidente akong aming organisasyon, ngunit sana maisip natin di po uusad o uunlad kung ako lang mag-isa ang pakikilusin. At wala rin magagawa kung kami ay magsama-sama kung walang kaming supporta na nakukuha sa departamentong aming nirererepresinta. 

Di sa lahat ng oras alam namin lahat ng aming gagawin, kaya sana kahit gabay lang yun ang ibigay nyong tulong sa amin. Di kami humihingi ng pinansyal na supporta sa bawat actividad namin sa eskwela pero ang masakit wala ring nangangamusta sa amin galing sa pakulti na nirerepresinta namin.

Napaso ang aming organisasyon sa sunod sunod na kaso na hinarap ko, nagkakataon kasi na binabatikos ako lagi dawalang araw bago mga aktibidad namin. Nawalan kami ng gana upang itaas ang aming bandera, parang nagpapakapagod kami sa wala dahil nagmumuka kaming tanga.

Nakakainggit kahapon ng aming makita na ang mga guro ng ibang departamento ay buo ang supporta sa organisasyon na nagrerepresinta sa kanila. Masaya ako para sa kanila ang galing mag organisa ng mga taong nasa taas nila. At Dahil sa inyo ako ay natauhan, kami kami na lang ang magtutulungan.

Ngayon aking napagtanto na kailangan ko kumilos, itataas ko ulit aming bandera kahit wala kaming nakukuhang supporta. Mga mahal kong F.E.S tara na at kumilos tayo, wag na nating hanapin ang mga bagay na wala sa atin. Kaya nating magtagumpay basta tayo ay magtutungan at di mag-iiwanan. Kalimutan na lang natin ang mga bagay na nakasangkutan natin, at wag hayaan na ito ang sumira sa sinimulan nating magandang samahan.

TARA! SAMA KA! sa bukas na kay ganda. Ibaon natin sa limot ang bulok na sistema ng kahapon, nasa atin ang pagbabago, simulan natin dito. 

Sabado, Setyembre 10, 2011

ALAALA

Nakakainis, tatlong oras na ako nag iisip ngunit walang pumapasok sa aking isip, gusto ko sumulat ng magaganda pero bakit wala akong maalala. Ano ba ang nangyari sa aking noon bakit di ko na maalala ngayon. Nasobrahan ba ako ng kakacontrol sa mga alaala na gusto ko kalimutan at mga bagay na dapat kong tandaan. 

Meron akong subject tuwing martes at huebes, ito ay Psychology 1 ni Sir Anorico. Minsan ang aming napag usapan ay yung lungkot na minsan ay ating nararamdaman, ang sagot na di ko makakalimutan "nasa hypothalamus lang yan". Kaya daw konrolin ang mga lungkot, feelings, emotion, depression bahala ka na kung ano gusto mo itawag dito, napaisip ako at bigla gusto kong magtanong.

Pagkatapos noon ay may nabanggit sya tungkol sa short and long term memory. Ako'y napaisip meron akong tanong ngunit pinagsama ko ang dalawang bagay na kanyang idiniscuss. Ang aking naitanong "Sir pede ba mangyari na kontrolin mo ang mga bagay na gusto mo alalahanin at tandaan.". Narinig ko galing sa aking likuran ang kaklase ko ito ang tinuran "ang tanong ni ate may laman" siguro nadama nya na ang tanong ko ay may kinalaman sa aking pagkatao.

Simple lang ng sinagot ni Sir Anorico, "OO". Ngayon ko lang narealize ang ginawa kong pagkontrol sa emosyon at alaala ko. Di naging maganda ang bunga ng ginawa ko, siguro ay bata pa ako kaya di ko alam ang tamang proseso. Kasi hindi ko nagawang kontrolin ng tama ang aking isip at damdamin, ang nangyari ay nakalimutan ko ang parte ng buhay ko na masaya nung pinilit kong limutin ang mga bagay na di magaganda.

Ngayon di ko malaman kung paano ko ibabalik ang aking memorya, gusto ko maalala yung panahon na ako'y masaya at bata pa. Panahong buo pa ang aming pamilya at lagi kami sama-sama.

SI " TITTY " AT SI "TUYA KI"

Yan ang paboritong sabihin ni bunso, "mommy titty, look titty oh!" nakakatuwa isipin na ang bunso ko ay di nagmana sa akin. Babaeng babae kasi sya, sa kilos, pananamit at mga gamit na gusto nya. Magkaibang magkaiba kaming mag ina lalo na sa itsura....hahahaha ako'y natatawa kapag may pumupuna.

Bihira lang kami magkasama sama mag-iina kase ako ay pumapasok sa eskwela. Sa loob ng isang linggo, anim na araw dun ay mag-isa ako sa Angono. Sabado ng hapon hanggang Linggo ng gabi ako umuuwi sa Makati. Sa maikling panahon na ginugugol ko kay Mocca at Moki masaya ako na sila'y nasa aking tabi lalo na kapag sinasabi ni bunso ang "mommy, mommy".

Dahil sa konting panahon na kami ay magkasama di ko maalala kung paano sya nagkainterest sa pusa, nagulat na lang ako isang araw dahil di sila magkanda ugaga dahil si bunso ay nagwawala. Hinahanap nya si "titty" ang stuff toy nyang pusa. Doon ko lang natuklasan ang mga hilig nya ay pusa, mapa stuff toy, lapis, book, eraser at papel kailangan may pusa ng ito ay kanyang pansinin.

Si Moki ang no. 1 ko dahil kamuka ko to, yun nga lang pati katapangan ko at minana nito. Parehong pareho kami sa ugali, mapagbigay, malambing, at maawain yan naman ang mapagmamalaki ko kay moki ko. Mahal na mahal nya si Mocca kahit ito ay maldita, gustong guto nya ito katabi kahit sipa naman ang ganti ni bunso ko. Masaya ako kapag sila ay magkasundo ang lambing nila kapag naglalaro, malayo man ang agwat na labing  isang taon di nila ito puna kasi mahal nila ang isa't isa.

Sana maintindihan nila kung bakit kami di magkakasama, may oras at panahon para rito pero siguro di pa ngayon. Kailangan ko tapusin ang kurso ko para sa kinabukasan ng dalawang anak ko. Mahirap pero kakayanin dahil kailangan gawin.

Sa dami ng pangit na nangyari sa akin, may dalawa naman akong supling na biyaya ni nya sa akin. Napapahid lahat ng galit at pait, kapag sila ay aking kapiling. Salamat Lord at ibingay mo sila sa akin, alam ko may plano ka sa amin.....








Biyernes, Setyembre 9, 2011

ANG AKING GURO

High school days ang pinakamasarap, yan ang totoo kahit kanino ka pa magtanong. Naaalala ko ang Adviser ko si Ms. Cenidoza ng APHS, napakatyaga nya sa batang katulad ko na medyo maldita. Sya rin ang teacher ko sa Chemistry at Physics, magaling sya magturo dahil para kang nasa comedy bar palagi. Di ka mabuburyong kapag sya ang iyong guro, maaaliw ka sa way nya ng pagtuturo.

Kahit ako ay salbahe, ni minsan di nya ako sinigawan. Dalaga pa sya noon, bata pa talaga pero kung kami ay itrato kala mo anak nya. Pwede mo syang lapitan lalo na't personal ang iyong pinagdaraanan, yun nga lang di ka nya kukunsintihin sa mali mong gawain. Apat kaming magkakabarkada, walang alam gawin kundi bigyan sya ng problema. Pasaway kasi kami at puro away ang dala. Ngunit kakaiba ang kanyang ginawa, kesa kami ay pagalitan, inalam nya muna ang dahilan.

Inalam nya ang kanya kanyang naming istorya, mga bagay na di namin maishare sa iba. Lahat pala kami ay may problema sa bahay, kulang sa atensyon at panahon ng magulang. Araw araw kami ay kanyang kakamustahin, maggugugol sya ng konti nyang panahon sa amin. Sa aming apat yun ay sapat na upang kami ay medyo magpakatino na. 

Sa dami ng kurso education ang pinili ko, nainspire kasi ako sa dating adviser ko.Di lahat ng guro ay ganyan, yung tipong sa buhay ng estudyante ay may pakialam  Gagayahin ko sya, tutulong ako sa iba. . Kaya sana yung mga guro na at di marunong magpahalaga sa damdamin ng estudyante nya, may pag-asa ka pa sana ay magbago ka.

Para po syo Ma'am Cenidoza ng APHS. Salamat po!

LOVE OR INFATUATION

Dalawang salitang alam ko ang depinisyon pero di ko alam kung kelan love or infatuation ang aking nararamdaman sa aking karelasyon. Wahhhhh bakit di ko alam, dapat sa tanda kong ito eh kabisado ko na yan. Napaisip ako dahil sya ay nagtanong, “mahal mo ba ako talaga o malungkot ka mag-isa?” di ako agad nakasagot kaya ako ay nagtaka. Bakit ako natahimik at di makaimik, totoo kaya ang kanyang iniisip? Nakakalito bakit ganito, ako ba ay di sigurado sa sarili ko.

Ako ay magkukwento pero ikaw sana ay magkumento upang matanggal na ang aking pagkalito.  Mag isa ako sa aking bahay, ang aso ko lang na si choco ang lagi kong karamay. Eskwelahan at bahay ang naging routine ko sa buhay. Gigising ako sa umaga ako ay mag isa, di ako kakain sa umaga dahil wala akong gana. Papasok  ako sa aking klase, maaga ako palagi. Masaya ako sa eskwelahan kasi meron akong mga kahuntahan, mga kaibigan, kaklase at myembro sa samahan. Ngunit pagdating ng uwian matatanggal ang aking ngiti dahil alam ko sa aking pag –uwi mag-isa akong muli.

Meron akong nakilala, lalakeng mabait naman talaga at simula noon ay lagi na kaming magkasama. Masaya ako kasi di na ako mag-isa, lagi sya nadyan lalo na kapag sya ay aking kailangan. Pinagbibigyan nya ko lagi sa lahat ng aking magustuhan, kaya naman sya ay aking inaalagaan. Pareho kaming solo sa bahay, kaya siguro kami nagkasundo. Malungkot sya mag-isa at ganon din naman ako.

Napadalas ang aming pagsasama pero at least enjoy naman kami sa isa’t isa. Habang tumatagal nakikilala namin lalo ang pagkatao ng bawat partido, di namin namalayan nahuhulog na ang loob naming pareho. Pinupunan nya ang lungkot na aking nadarama kaya naman ang isinukli ko ay pag aaruga na sya namang kulang sa kanya. Ganyan ang aming naging sitwasyon, ang alam ko give and take ang tawag dun. Masaya ako kapag kami ay magkasama pero madaming pagkakataon na kami ay magkaiba, ngunit di namin pansin ang pagkakaibang iyon dahil mas importante sa amin ang walang iwanang usapan namin.

Nung nagtanong sya sa akin naalala ko ang pelikula ni Claudine at Piolo, meron kasing linya dun na bagay  na bagay sa tanong nya sa akin. “Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ko o kailangan mo ko kaya mahal mo ko”. Hay naku ayoko na mag-isip, bahala na kayo magkumento kung ano ang dating sa inyo ng aking kwento.

Miyerkules, Setyembre 7, 2011

PAGBABAGO

Nainspire ako isulat ang isang ito after ko makausap ang kaibigan ko, madami raw nakakapansin ng mga nagbago sa akin ngunit di ko namamalayan na yun pala ay nangyayari sa akin. Di naman pangit ang aking mga narinig at natuwa pa nga ako dahil sila pala ay napapaisip. Prangka kasi akong tao, tipo ng sasabihin lahat ng gusto. wala akong pakialam kung paano at lalo na kung ano ang mararamdaman mo.

Ngunit di ko napuna na ako pala ay nag iba, tahimik na daw ako ngayon at malumanay pa. Di na raw ako sumasawsaw sa mga problema at lalong di ako sumasawsaw sa issue ng iba. Natuwa ako ng aking marinig na ang pinagbago ko ay puro positive. Pero ang di nila alam, ako pa rin ay may pakialam iwas gulo na lang ng di lumala ang usapan. Gusto ko magkasundo-sundo ulit ang mga membro ng samahan, dahil namimiss ko ang aming katuwaan.

Hanggang ngayon ako'y nalilito at gulong gulo, kung paano ang gagawin upang maayos to. Sana matulungan ako ng mga tao sa paligid ko, para magbuklod buklod ulit ang aming grupo. Pasensya na kung naisulat ko ito, inilalabas ko lang ang nararamdaman ko. Sana matuto tayo magbigay, umintindi at magpatawad, dahil di tayo perpekto at may pagkakamali rin tayo. Mahal ko ang grupo ito kaya pilit kong binubuo, I LOVE YOU F.E.S yan ang totoo.

Sana walang magalit sa blog kong ito, at sana maintindihan nyo ang nararamdaman ko. Salamat sa taong nakapagbago sa akin, dahil syo naiba ang tingin ko sa mundo.

Martes, Setyembre 6, 2011

I LOVE YOU

Paborito ko yan, sabihin sa taong aking mahal pero mas masarap yata pakinggan kung ikaw ang sasabihan. Minsan naisip ko kung lahat ba ng ito ay totoo, tunay ba ang nadarama ng mga taong gumagamit nito. Madali kasi itong sabihin, lalo na kung ang mga gumagamit ay praning. Ngunit sana ay ating alalahanin ang salitang yan ay nakakasakit, at wag natin ulit uliting bigkasin kung di ka sigurado sa iyong sasabihin.

Kung di mo sya mahal, wag mo na lang sabihin mas maiintindihan nya kasi at least totoo ka. Makapaghihintay ang tao lalo na't mahal ka nito, kesa bilugin mo ang kanyang ulo ng mga kasinungalingan mo. Makunsensya ka naman dahil sa dami ng taong iyong nasaktan, at lalong tamaan ka kung ang iyong kasintahan ay mahal ka namang talaga. Pakawalan mo sya kung di ka rin lang totoo, i think she deserves a better man kesa sa isang tulad mo.

Sana ating matutunan na ang mga simpleng salitang ganyan ay makapangyarihan, kaya nitong baguhin ang mga bagay at tao na nakapaligid sa atin. Kaya hinay hinay lang kaibigan, iyong pigilan ang iyong nararamdaman kung ayaw mong masaktan. Piliin mo ang tao na iyong mamahalin at sana ikaw ay kanyang ibigin. Pero wag ka mag alala kung di man sya, madami naman dyang iba better pa sa kanya.

INA

Ang blog kong ito ay para sa iyo, dito ko sasabihin ang mga bagay na sa iyo ay di ko maparating. Di ko na maalala kung paano nag umpisa, siguro kasi iyon isang bagay na ayoko na maalala. Ang daming bagay sa buhay ko na sana ikaw ang aking karamay pero wala ka at busy maghanapbuhay. Di ko maintindihan bakit ang mga bagay na aking nararamdaman lalo na kapag ako ay nasasakatan syo ay di ko mapaalam. Lumaki ako na di tayo malapit, kaya sa iba ako lagi lumalapit. Noon pakiramdam ko wala akong kwenta syo kasi ako lang yata sa aming apat ang di mo paborito. kaya sa paglipas ng mga taon galit ang aking tugon, kasi di ko pa naiintindihan noon bakit tayo ganon.

Aminado ako sa dami ng kasalanan ko, nasaktan kita ng todo todo. Ang di ko napansin ay ang iyong pagtingin sa akin dahil sa aking dibdib galit ang aking itinanim. lagi ko ikinukumpara ang pagtrato mo sa akin at sa kanila, akala ko kasi nung una malas ako at swerte sila. Ang di ko napuna ay mas inalalayan mo ako kesa sa kanila kaya ako pala ang swerte at di sila.

Sa tuwing ako ay magkakamali lagi ka nadyan nakasalo sa akin, ikaw ang katulong ko magpalaki sa aking panganay na si moki at ngayon dalawa na sila nadyan ka pa rin sa aking tabi. Kahit kelan di mo ko iniwanan lalo na sa mga pagkakataon na ako ay nasasaktan, di man tayo nag uusap ngayon dama ko na, lagi ako ang nasa isip mo aking ina. Lagi mo inaalala kung paano na ako kapag nawala ka, dahil nasanay na ako na lagi kang nakasuporta.

laking pasasalamat ko ng ako ay bigyan mo pa ng huling pagkakataon, kaya ngayon ikaw na naman mag-isa ang nag-aalaga sa dalawang bata. wag ka mag alala ina, pangako ko, itong kurso na aking kinuha ngayon ay tatapusin ko. Salamat ng marami sa matyaga mong pag intidi sa akin at walang kapantay ang pagmamahal na ipinapakita mo sa amin. Ngayon ko lang to sasabihin bagay na minsan gusto ko sambitin, MAHAL KITA AKING INA sana sa iyo'y makarating.



RESPETO

Isang bagay na itinuro ng ating mga magulang simula ng pagkabata natin, pero ating pansinin na sa pagtanda natin nakakalimutan natin itong palawakin. Respeto ay isang bagay na kailan man ay di makukuha ng libre, ito ay pinaghihirapan at kailangan mong patunayan. Respeto ang kailangan kahit sino pa ang iyong kaharap, taong mataas syo o mas mababa kailangan mo pa rin irespeto. Lahat tayo iba't iba ang pagkatao ngunit kailangan natin matutunan na irespeto ang kanilang katauhan.

Di sa lahat ng oras tayo ay kanilang maiintindihan kaya sana naman sila ay ating pakinggan. Ito ay isang bagay na aking natutunan sa aming samahan, wag nating ikumpara ang ating sarili sa iba. tayong lahat ay may kanya kanyang pananaw, paniniwala at paninindigan kung di man tayo magtugma at least irespeto natin sila. Wag mong hanapin sa iba ang ugali na meron ka, at lalong wag mo husgahan ang mga bagay na ginagawa nya o personalidad na meron sya.

May karapatan tayong punahin ang mali ng mga taong kilala natin o malapit sa atin, ngunit wag mo iexpect na sila ay makikinig sa atin. Kaya ito kadalasan ang aking sinasabi, sa mga kaibigan ko na matigas ang kokote " kung saan ka masaya suportahan kita" iwas gulo at iwas debate. Kapag nasaktan yan syo din ang balik nyan sasabihin nya syo "Sana nakinig ako nung pinayuhan mo ko". Lahat tayo ay gusto lang naman maging masaya at akala nila sa desisyon nila ay dun sila liligaya, hayaan mo sila magkamali at masaktan ng sila ay may pagkatandaan.

Lahat ng bagay nasa huli ang pagsisisi, ang importante ay ang mga bagay na iyong natutunan sa mga di magagandang karanasan. 


Lunes, Setyembre 5, 2011

LIMITASYON

Limitasyon, ito ang hangganan ng kung ano ang pede mo gawin o kaya mo gawin para sa isang tao. Ikaw hanggang saan ang limitasyon mo? Ako hindi ko alam, Ako kasi ang tipo ng tao na extreme kung tawagin. Extreme ako magbigay at magmahal pero wag akong sasagarin kasi kapag ako'y napagod na masasabi ko lang ay "GOODBYE". Di ko maintindihan kung bakit ako ganito, sana kaya ko iadjust ang limitasyon ko. 

Masaya ako kapag may nagagawa ako para sa taong mahal ko pero sana naman ay napapansin nya ang mga bagay na to, minsan kasi ang masakit eh nagpagod ka na ng todo todo pero para sa kanya eh wala lang to. Mahilig ako mag surprise dahil yan ang isang bagay na wala pang gumagawa sa akin, kaya sa twina ay sinusurprise ko ang mga taong malalapit sa akin. 

Ito ay mga ilang bagay na nagawa ko noon para sa kanya pero ito rin ang mga bagay na di nya binigyang halaga. Sya ay nag oopisina, tatawagan ko sya sa umaga upang alamin kung ano ang gusto nya kainin. Iluluto ko yun sabay ihahatid sa kanyang opisina bago pa manghalian, yan ang ginawa ko araw-araw na nagdaan. minsan sabi ng aking mga kaibigan "tang ina girl tama na yan, di bale sana kung twing dadalhan mo sya eh sasabihin nya na sabay na kayo kumain", sakit ng aking narinig lalo na't nanggaling sa mga taong malalapit sa akin. 

Dumating ang time na nagkalayo kami dahil ako ay nanirahan sa Makati, twice a month kung magkita kami dahil pareho kaming busy. Ang ginawa ko noon ay kumuha ng kahon, at sa twing ako ay nasa labas at maalala ko sya ay bibili ako ng kahit anong bagay at gagawan ko pa ng sulat para alam nya na di ko sya nakakalimutan. At the day bago kami magkita usually isang slice ng paborito nyang cake ang aking bibilin. Masaya sya tuwing makikita nya ang kahon lalo na kapag binabasa nya ang aking mga note. tumagal kami ng isang taon, ngunit sa hiwalayan din ang tuloy, napagod na kasi ako sana maintindihan nyo ako.

Lahat gagawin ko para syo hanggat kaya pa ng puso ko, pero sana maintindihan mo na tao rin ako, napapagod, nasasaktan at nahihirapan. Kung di mo kaya tapatan sana iyo na lang pahalagahan. Isa lang naman ang gusto ko, ang maramdaman ko na ako ay mahal mo. 

Sana may makilala ako, isang taong tulad ko ng maexperience ko naman ang mga bagay na ginawa ko para syo.

Linggo, Setyembre 4, 2011

IWANAN

Ganda ng title ko at malamang magkakainterest ka dito, ano ba ang ibig sabihin ng salitang ito? maganda ba ito o pangit? depende siguro kung sino ang gagamit. Sino ba ang mas nasasaktan ang nang-iwan o ang iniwanan? lahat ng bagay depende siguro sa sitwasyon. May mga bagay kasi na kailangan natin gawin kahit di natin gusto, mas makakabuti ito sa parehong partido. 

Oo masakit kung ikaw ay iiwan ng kaibigan, pamilya o kasintahan pero sana maisip natin kung ano ang gusto nila iparating. Aminin man natin o hindi kapag ganyan na ang issue eh sumasara ang isip mo, para syo mas importante kung ano ang iyong nararamdaman. Ngunit subukan mo kayang pakingggan ang kanilang panig ng di galit ang sa iyo ay manaig.

Naranasan ko na iwanan at mang iwan at iba't iba ang dahilan. Iniwan ako ng taong mahal ko ng walang makatwirang dahilan, tama bang sabihin akin na kaya nya ako iiwan kasi nan iilit sya kapag kasama nya ang pamilya ko. Di ba nya naisip na ako ang kanyang makakasama di naman ang aking pamilya, tanga lang noh! Di ko sya pinigilan sa kanyang kagustuhan dahil di ko kayang ipaglaban ang lalakeng di marunong manindigan.

Ngayon ko lang to aaminin, ako ay naghintay din na baka sakali sya ay bumalik sa aking piling. Ang sabi ko "one year ako maghihintay kapag di sya bumalik, e di goodbye". Lumipas ang mga buwan at sumapit ang araw ng iyon, at nagkataon na kami ay nakumbida sa isang gimik ng barkada. Nang matapos ang gabi at magpapaalam na kami nagdesisyon akong magtanong ng malinawan ang isip ko at damdamin. Heto ang tanong ko " mahal mo pa ba ako? " ang dali lang di ba? oo at hindi lang ang sagot dito pero ang masakit doon ay wala syang tugon.

Ako ay nagdesisyon na kailangan ko ng magmove on, at ang laking tulong ng wala syang tugon. Pagkalipas ng anim na buwan ako ay ok na, nakaya kong kalimutan ang aming storya. Isang araw bigla syang dumalaw, humihingi ng tawad sa aking harapan at nakikiusap na sya ay muli kong tanggapin. Ngunit iba ang aking naging tugon sa mga salitang kanyang binitawan "sorry pero huli ka na kasi masaya na ako ng wala ka".

Ito naman ang aking karanasan kung saan ako naman ang nang iwan, oo mahal ko sya  pero di nya ako pinahalagahan at inalagaan. Di ko na need ikwento mga bagay na ginawa ko para sa taong to, pero isa lang masasabi ko nakalimutan ko ang sarili ko. Dami ng luha na aking sinayang sa taong tulad nya na walang pakinabang, kaya laking tuwa ko ng ako ay matauhan. "Malaya na ako at di kita kailangan" yan ang sumambulat sa aking bibig ng sya ay aking iwan.

Ito ang ilan sa aking karanasan at sana nag enjoy kayo basahin ang aking nakaraan. Ngayon maiintindihan mo na bakit ako ganyan, kasi pinalakas ako ng pangit kong kahapon.


DESISYON

Nakakainis alalahanin na tuwing may nangyayaring di maganda sa buhay ko lagi nilang sasabihin sa akin, lahat ng bagay may dahilan. Ganon! Kapag may dumating na mabigat ng problema heto naman ang sagot nila, kaya mo yan kaya binigay syo yan. nakakaloka! tao lang ako napapagod nahihirapan kaya sana naman ako ay tantanan. Pero meron akong paboritong lagi kong sinasabi sa aking mga kaibigan tuwing meron mga problemang nagsusulputan, lahat ng bagay choice mo yan dahil ikaw lang naman ang nagmamaniobra ng sarili mong kaisipan.

Ang ibig kong sabihin sa aking tugon eh, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong problema. Syempre po ang aking pong ipinupunto eh mga pansarili nating desisyon na walang kinalaman ang mga tao sa paligid o nakapaligid sa atin. Tulad ng usaping pang puso, sino ba ang nagpapahirap sa sarili natin di ba tayo din. pede naman kasi padaliin ang life bakit ba need natin guluhin. Sa usaping pera, e di kumilos ka ng di ka laging umaasa sa iba, tama ako di ba?

Sandali lang ang buhay, gawin nating makabuluhan gawa tayo ng mga bagay di lang sarili ang makikinabang. Upang sa ating paglisan, meron ka naiambag na may katuturan.







Sabado, Setyembre 3, 2011

GUSTO KITA AT MAHAL KITA ANO ANG PINAGKAIBA?


Nainspired ako isulat ang inyong kwento pero wag ka mag alala dahil di ako magbabanggit ng pangalan dito. Gusto kita at mahal kita ano nga ba ang pinagkaiba? marahil kayo ay nalilito at nagtataka why natin pag uusapan ang dalawang bagay na ito, gusto ko lang tuklasin kung sino ang may punto. Ang salitang "gusto kita" di ba ang simula bago maging mahal kita, kaya lang depende po kasi yan sa taong ating ginugusto. May iba't ibang level ang pagkagusto, baka gusto ka nya as kaklase, kalaro, kaibigan, kaaway o kasintahan.

Ito ang inyong kwento, noong simula kayo ay magkaklase lang. Nagulat na lang ako ng aking mabalitaan na close na kayong magkaibigan. May nireto sya sa iyo, pero di mo gusto dahil alam mo sa sarili mo kung sino ang gusto/mahal mo. Sa paglipas ng mga araw ng kanyang pagiging tulay ay sya namang pagtindi ng iyong lihim na pagtingin na gusto mo sanang sabihin. Mas pinili mong manahimik at di magtanong kahit sa totoo lang ang dami mong tanong. Kaya heto ka ngayon parang hilong talilong.

Laki ng aking pagkabigla ng kahapon ay aking marinig, na ang iyong gusto ay may iba palang iniibig. Alam ko ang sakit ng iyong pinagdaraanan lalo na ng sabihin mo sa kanyang harapan na ikaw ay ok lang. Ang mahirap kasi sa inyong sitwasyon ay nilunod ka nya sa mga maling persepsyon at nagpalunod ka naman sa iyong emosyon. Pero wag ka mag alala girl, may pag asa ka pa, chos!. dahil ang kanyang sinisinta ay meron naman yatang mahal na iba. 

Ito ang aking konklusyon sa mga ganitong sitwasyon, iwasan natin ang sobra sobrang pagpapakita ng kabaitan sa mga taong laging nadyan kasi di natin namamalayan sila ay nahuhulog na ng walang kalaban laban. Tao lang sila may mga pangangailangan pero wag nating ibigay kung di mo kayang panindigan. Alisin natin sa ating isip na ang dalawang yan ay magkakonekta, dahil may mga pagkakataon na hanggang GUSTO lang ang kaya at kahit kelan di magiging MAHAL KITA. At lagi nating tatandaan wag nating pagsamantalahan ang kanilang kahinaan, tao rin sila marunong masaktan kaya sana naman minsan ay ating alagaan.

Para syo itong storya ko, di ko n sasabihin ang name mo alam ko alam mo. wag ka na sad girl, kung di kaya kaya mahalin kami mahal ka namin.....I LOVE YOU F.E.S!

AKO TO

Makulit akong tao, palatawa, kalog, at clown sa barkada pero di nila alam lungkot ang aking nadarama. Ako rin yung tipo ng kaibigan na maalalahanin, malambing, at maalaga kaya kadalasan inaakala na ako sa kanila ay may pagtingin. Pasensya na sa mga taong nalilito sa aking pagkatao, pero pansinin mo lahat ng gawa ko ito ay mga bagay na wala ako. Hindi ako masaya kaya ako na lang ay tumatawa, kaya siguro ako malambing at maalalahanin ay dahil walang gumagawa nyan sa akin.At pede ba wag kang feeling di lahat ng aking paglalambing eh ibig sabihin na ako syo ay may pagtingin, di lahat ng aking pangungulit ay ako syo ay nagpapapansin. chilax ka lang kaibigan, di po yan ng aking nararamdaman.

Mahilig din ako sa phones, notebooks, at ballpens. Noong una di ko maintindihan bakit yang mga bagay na yan ang aking kinokolekta, pero ngayon alam ko na at heto ang rason makinig ka. Lumaki ako halos mag isa di ba, dami ko karanasan na di kagandahan. Bakit telepono? kasi takot ako mag-isa at walang kausap, kaya marami ako nito kasi gusto ko masigurado na sa dami ng network lahat yun meron ako nagbabakasakali na may magtyaga na ako ay kausapin. bakit notebook at ballpen? kasi umaasa ako darating yung panahon may maisusulat akong maganda at masaya. 

Sa ngayon di ko alam kung ano ang aking nararamdaman, sa unang pagkakataon aking binitawan ang mga bagay na akala ko ay aking kailangan. Noon kapag ako ay umaalis ng aking bahay daladala ko ay mga kolesyon kong bagay, 4 na telepono,  itouch, laptop, notebook at ballpen. At ngayon pati ang aking pakikihalubilo ay nagbago, ano ang meron bakit nagkaganoon. Kung may alam kang rason why ako nagkakaganon wag ka mahiya magkomento ka lang bukas po ako sa mga suwestyon ng iba wag ka mag-alala.

pero ito pinakamasaya nakabuo ako ng quote "ayaw kita iwan kasi ayaw kitang saktan pero sana maintindihan mo na kaya kita iiwan dahil ilang ulit mo na akong nasaktan"...... di ako tanga at lalong di ako bobo ginagawa ko to kasi MAHAL KITA pero wag mo akong sagarin dahil anytime pede kitang CHUGIHIN.....chos! I LOVE YOU PO!




Huwebes, Setyembre 1, 2011

MASKARA


Lahat ba ng oras ay pinapakita mo ang totoo mong pagkatao? Ugali? O gusto? Sa dami kong pinagdaan sa buhay, natuto ako magsuot ng masKara sa mga  taong aking nakakahalubilo. Ayoko makita nila ang totoong ako, mahirap kasi na mapagsamantalahan o maabuso ng mga taong importante para akin. Masakit isipin na may mga taong kang pinahahalagahan pero na dyan lang pala sila dahil sila ay may kailangan, wala silang pakialam sa iyong mararamdaman.

Grabe ako makisama sa mga taong tinuring kong aking kaibigan, lagi ko inisip kung paano ko sila mapapasaya upang ako ay kanilang magustuhan at wag iwanan. Ngunit sadyang may mga taong mapanglinlang at kaya ka nila paniwalain na sila ay totoong kaibigan ngunit ang di mo alam ay tinitira ka ng talikuran.

Minabuti kong magsuot ng maskara upang di sila makampante na lumapit sa akin at maging malapit sa akin, dami ko na kasing karanasan sa mga taong mapagsamantala, na nagkalat sa kalsada. Pero bakit ganito parang di ko na kilala ang sarili ko, mas nananaig na ang mascara ko kesa sa totoong ako. Ayoko na ng ganito, paano ko ngayon tutuklasin kung sino ako. Sa tagal kong suot ang aking maskara ko di ko na yata kaya hubarin pa ito. Kaya payo ko sa mga taong tulad ko, pakatotoo na lang tayo at hayaan ang mga taong ganid sa mundo, at least alam natin na tayo ay mabuti at di natin kailangan magkubli.

EDUKASYON

ito ang karugtong ng aking kwento, dahil sa mga naganap sa buhay ko nawalan ako ng gana sa pag-aaral ko. Kinuha ko ang kurso na gusto ng ina ko, dentistry! lupit noh! pero ang problema ay takot ako sa dugo at wala akong interes dito. binagyan ko ng 2 semester ang kurso na to sa pag-aakalang kakaynin ko pero pasensya na di ko talaga kaya. sumunod na kurso na kinuha ko eh suggestion naman ng ama ko, accounting! lupit ulit noh! pareho kasing accounting graduate ang aking mga magulang kaya pinilit akong accounting ay aking subukan. 

nakakatawa kasi mahilig ako sa numero pero di na kasi ako nachachalenge dito, mula grade school hanggang high school taon taon eh kasama ako sa mga patmpalak na ginagamitan ng utak. dawalang semester din ang tiniis ko sa aking pangalawang kurso at after nito ay tumigil na ako. Ang pangatlo kong kurso HRM daw sabi ng aking tito kasi ay mahilig ako magluto at mag-imbento ng mga putahing kung ano ano. Mahilig ako magluto pero di ko pinangarap na maging kusenero ng kung sino sino kaya isang semester lang at ito'y aking tinigilan. 


Sa galit ng aking magulang ay di na nila ako pinilit pang mag-aral, natiwang-wang ako sa bahay at nabaliw sa mga oras na lumipas na walang kabuluhan. Naisipan kong mag apply ng trabaho kasi usong uso ang mga engliserong call center dito, at sinwerte naman ako dahil tanggap agad ako. Anim na taon din akong nagtrabaho sa mundo ng mga englisero, napromote pa ako dahil sila ay mga bobo. Wala silang alam na di pa pala ako tapos ng kahit na anong kurso. Ngunit may opportunidad na dumating, panibagong promotion para sa akin. Di ko agad ito tinanggap sa takot na hingan nila ako ng diploma at wala akong maipapakita, kaya nagdecide akong kausapin ang aking ina. 


Noon ko lang naintindihan ang importansya ng may pinag aralan, ngunit huli na upang ito pa ay aking pagsisihan. Laking gulat ko ng bigla akong alukin ni ina na ako'y muli nyang pag aaralin, napaisip ako dahil baka kung ano ano na namang kurso ang ipakuha nila sa akin. Ngunit laking gulat ko ng pinagbigyan nila ang aking hiling. EDUKASYON ang gusto ko at heto na ako ngayon pinagbubuti ang kurso na aking napiling tapusin. 


Sana maging aral to sa mga kabataan ngayon, na pinagwawalang bahala ang EDUKASYON.