Jose, Allan K., at Wally, yan ay ilang halimbawa ng mga taong nagkapera ngunit hindi pinabago ang itsura. Araw-araw namin pinapanood ang kanilang programa, ang Eat Bulaga sa tanghali. Hindi mabubuo ang araw namin kapag sila ay hindi nasilayan, nakakatanggal kasi sila ng pagod at lungkot. Muka pa lang ni Jose matatawa ka na, lalo na sa kanyang mga linya na halata mong hindi binasa.
Napakanatural sa kanila ang magpatawa, gaganahan ka talaga kumain ng sobra. Minsan aking nasabi "ang dami nang pera ni Allan K. bakit hindi pa sya paretoke?" sinagot ako ng aking kaibigan " kasi yan ang dahilan bakit sya yumaman, bakit nya ipapabago ang bagay na sa kanya ay nagpaasenso" oo nga naman sya ay may katwiran, kaya hindi na ako nagsalita pa at sumang-ayon na lang.
Si Jose at si Wally ang paborito ko sa lahat, lalo na kapag sugod bahay na ang palabas. Minsan aking napansin hindi sila napipikon kapag itsura nila ang titirahin, bagkus ipagmamalaki pa nila ito at ipapakita ng todo. Magaling sila makihalubilo sa tao, kaya nilang sabayan kahit sino.
Nakita nyo na ba ang moves ng dalawang yan, kahit walang linya silang binabasa galaw pa lang ng katawan ay tatawanan mo na. Lalo na yung kiss sa kili-kili na kanyang ginagawa, hindi nya alintana kahit kili-kili pa nung tao ay basa. Nakakaloka talaga sila, kaya hindi nagsasawa ang tao panoorin sila.
Bilib ako sa mga taong yan, hindi kinahihiya ang bigay sa kanila ng Maykapal. Bagkus ginagamit nila ito, upang magpasaya ng ibang tao. Natural sa buhay ng tao ang tumanda ang itsura, bakit kailangan mo ipadoktor pa. Physical na itsura lang yan, ang importante ay ang mabuting kalooban. At iyo ring tatandaan, minsan nadadaig ng kulit at talino ang muka na gwapo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento