Nais kong makasulat ng isang malikhaing kwento o tula, ngunit hindi ako marunong kung paano ang tamang paggawa. Nagtanong-tanong ako sa aking mga kakilala, mga taong may mga kwento o tulang naisulat na. Kwento o tula na pinuri na ng karamihan, ibinahagi at ipinagmalaki sa sambayanan.
Meron isang tao pinahiram ako ng libro, may isang istorya na nais nya ay basahin ko. Sa titolo pa lang nito ay parang may pagkamalahay na, at lalo ka madadala habang binabasa mo ang ibang bahagi ng istorya. Gigil na gigil ako ng binabasa ko ito, gumagawa na ako ng mga possibleng eksena sa utak ko. Ang galing ng taong sumulat nito, napagana nya ang imahinasyon ko.
Nadala ang aking emosyon sa kwentong aking binasa, to the point na kung ano-ano na ang naisip kong masaklap na mangyayari sa istorya. Gusto ko makasulat ng tulad noon, yung tipong iba ang sasagi sa isipan ng tao, ngunit iba rin pala ang totoong mangyayari sa kwento di ba.
Ang sarap kasi ng pakiramdam, na nadala ka at nalungkot, naawa, nagalit at nainis sa binasa sabay matatawa ka dahil na WOW MALI KA ng sumulat ng istorya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento