Huwebes, Nobyembre 24, 2011

UHNAT! UHNAT!

Paborito ito ng karamihan, mura kasi at mabigat pa sa tyan. Minsan lang ako kumain nyan, kasi hindi ko naman ito nakahiligan. Kadalasan itong ginagawang pasalubong tuwing bibisita sa kamag-anak at kakilala, ito na rin ang ginagawang merienda tuwing meron kaming bisita.



Meron itong iba't-ibang kulay, para sa iba't ibang pleybor. At dinagdagan pa ng kung ano-anong palamuting binubudbod, mga maliliit na kendi na may maraming kulay. Yung iba naman ay dinaan sa disenyo na ang ginamit na pang-akit ay mga drawing na gawa sa tinunaw na tsokoleyt.



Marami kang pagpipilian at sa dami ng klase ng panlasa ng tao meron isang pwedeng ipangtapat syo. Masarap syang kainin habang may kahuntahan, kapamilya, kabarkada o kasintahan. Napakamura nya kaya naman sya ay talagang pangmasa. Kung nagtitipid ka talaga eh di munchkins ng kainin mo di ba.


Pero ang dahilan ng kwento ko na ito, ay ang bunso ko na nahilig dito. Tuwing kami ay mapupunta sa mall, madidinig mo ang anak kong sumisigaw habang tumatalon "mommy uhnat! uhnat!". Nung una ay hindi ko pa naintindihan, hanggang sya ay nainis at tumakbo at ako ay nilayasan. Hinabol ko si bunso, at nakita ko sya nakatayo sa tabi ng salamin nagulat ako na DONUT pala ang gusto nyang ituro.


At alam nyo ba ang kanyang paborito, ang tsoko baternat na noon ay hindi ko gusto.....hahahahaha Ngayon  dahil kay bunso, naadik na naman ako sa "UHNAT" na dati ay hindi ko naman paborito. 




we would like to thank our sponsors " Dunkin Donut, Dr Bikke Pelo, and Dr. Kawayan. ".....hahahaha CHOS!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento