Meron akong bagong kakilala, Bugoy ang pangalan nya. Noong una kaming nagkasama ay iba ang nakita ko sa kanya, makulit, palatawa, iisipin mo wala syang problema. Enjoy na enjoy ako nung panahon na yun, kasi naman ako ang hot seat sa aming usapan. Nabisto kasi ako nang husto, akalain ko ba naman na kaibigan pala sya ng aking nobyo.
Masaya ang aming naging kwentuhan, dahil punong puno ito ng kantyawan. Huwag ko na daw masyado dibdibin ang lihim na nabuko tungkol sa amin. Nagkataon lang daw na mas maaga nalaman, dahil kaibigan din nya ang aking pinsan. Pasasaan pa daw at magkakakilala rin naman daw kami, mas maganda nga yun maaga at mas madali.
Bago matapos ang aming pagsasalo-salo, napag-usapan naman ang tungkol sa puso. Handa na sya makipagrelasyon, wala nga lang sya makita sa ngayon. Kaya tinanong nya ako kung meron akong pwede ireto, upang maging makulay naman ang kanyang mundo. Tinawagan ko ang aking kaibigan, joyce ang kanyang pangalan. Naisip ko lang mukang bagay silang maging magkaibigan, at malay natin paglaon eh sila'y maging magkasintahan.
Sila ay naging magkatextmate nung mga unang araw, hanggang dumating sa gabi-gabi ay magkausap. Ang hindi ko maintindihan, nung sila ay magkita parang nawala na. Wala akong alam kung ano ang dahilan, pero sinabihan ko si budoy ng " ihahanap na lang kita ng iba, yung sigurado kong magiging masaya ka ".
Nakita ko ang sarili ko kay Budoy, isang tao na napaso na sa pait ng nakaraan. Buti na lang at kanya pang nakayanan, pero hirap na sya ngayon magtiwala at takot nang masaktan.Ngunit hindi dyan natatapos ang buhay ng tao, kailangan kang matutung tanggapin ang pagkatalo. Doon ka magsisimula at babangon, iyon ang gagamitin mong puhunan tungo sa kinabukasan.
Kapag ang sugat ay naghilom, kailangan mong maging matapang at matatag. Sumugal ka ulit pero huwag yung pilit. Huwag mong hanapin ang wala dahil makikita mo ay hindi tama. Kusa syang darating kung ito talaga ay para sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento