Naranasan mo na ba, yung may kausap ka tapos bigla nya sasabihin " buti ka pa ". Hindi maiwasan sa isang huntahan, ang mga katagang yan na mukang hindi naman nila alam ang tunay na kahulugan. Kadalasang nangyayari, hindi natin maiwasan mainggit sa mga bagay na meron sila na wala sa atin..
Ang bawat nilalang ay may kanya-kanyang planong nakalaan, iyon ay kung yayakapin natin ang biyayang sa atin ay ibinigay. Pansinin natin sa dami ng ating hiling, ilan ba dyan ang sa atin ay ipinagkaloob. Kahit anong dasal, kahit ilang simbahan ang luhuran, at ilang oras ang ilaan, hindi nya ibibigay sa ang sa tingin nya ay hindi naman natin kailangan.
May mga pagkakataon na kanyang tinugunan, ang hiling na kay tagal na idinaing. Ibig sabihin noon, yan na ang tamang panahon at pagkakataon dahil ang ating gusto ay tumugma sa kanyang plano. Ito ang mahalagang tandaan at sana ay maunawaan, ang karaniwang bagay na hinihiling nating mga nilalang, ay mga bagay na ating "GUSTO" ngunit hindi naman natin "KAILANGAN".
Ibinigay nya sa atin ang mga hiling na kailangan natin, mga bagay, tao, karanasan na humulma sa ating pagkatao. Buksan ang mga mata, huwag tayo pakabulag sa nakikita natin na meron ang iba. Dahil meron syang ibinigay sa atin na kahit kailangan hindi makukuha ng iba, sana lang alam natin ito bigyan ng halaga bago pa mawala ang sa atin ang biyayang ipinagkaloob nya.
Family : Ang ating pamilya na laging nadyan sa atin kahit anong mangyari, kahit paulit ulit tayong magkamali ay paulit ulit din tayong tatanggapin at tutulungan makabangon.
Faith : ang gabay natin at tumutulong sa atin upang hindi sumuko sa kahit ano mang pagsubok na darating o dumating sa ating buhay.
Trabaho : huwag natin tignan ang taas o baba, ang mahalaga ay meron ka at hindi ka nagiging pabigat sa iba bagkus nakakatulong ka.
Love : Minsan lang yan darating, matuto tayong seryosohin. Bigyan ng halaga upang lalo tumibay ang pagsasama.
Friends : tuklasin kung sino ang tapat at totoo, dahil sa mundo bibihira ang tulad ko....nyhahahaha CHOS!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento