lahat ng tao ay hoping! hoping to have a successful career, hoping to have good health, hoping to have a brighter tomorrow, and hoping that someday the'll find the right man/woman for them. kanya kanya di ba? iba't ibang pananaw at gusto sa buhay. ako, ngayon ko lang aaminin sa sarili ko na ako ay hoping to have someone special sa life ko. natatawa ako sa mga taong ang laging laman ng isip ay pera or di ko lang sila maintindihan dahil yun ang isang bagay na meron ako at di ko pinuproblema, pero ako kaya naiintindihan nila? na meron silang bagay na di kayang bilin ng pera ko. di lahat ng may pera ay masaya at di lahat ng bagay na kayang bilin ng pera ay kaya kang pasayahin.
naiingit ako tuwing may nakikita ako na average people or below average na kahit wala silang pera ay napakasaya nila, anak ng tokwa naglalakad sila holding hands pa...bwisit di ba? napag usapan naming magkakaibigan ang tungkol sa relasyon o ang pagpasok sa isang relasyon. nagtalo talo kami dahil sa issue na yan, ang pinupunto nila ay nahihiya sila na di nila kayang ibigay ang buhay na maganda sa taong mahal nila kung wala silang pera. ang punto ko naman ay kung talagang mahal nyo ang isa't isa ay magtutulungan kayo upang di mahirapan ang parehong panig. nagbitaw sila ng salita na kahit daw mahal sila nung tao eh dumarating daw ang pagkakataon na mapapagod, magsusubatan at iiwan din sila, di ko tinanggap ang kanilang opinion. para sa akin depende yan kung gaano ka kamahal ng taong iyong kinakasama o karelasyon.
walang nanalo at walang talo sa aming debate, wala ring pinagkatapusan ang aming usapan dahil magkaiba kami ng kalagayan sa buhay. nagdesisyon kaming itigil na lang kesa kami ay magkatampuhan. sinabi ko na lang na naintindihan ko kahit di ko naintindihan. pero bakit parang di ako mapakali? kasi may isang bagay na di ko nasabi na nagpupumiglas kumawala sa aking bibig, pero buti na lang at aking napiit kasi bigala ko narinig mula sa kanyang bibig ang bagay na kinakatakot ko marinig. tang ina ang sakit....thank you.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento