Malamang karamihan sa inyo ay alam ang kantang yan ng Parokya ni Edgar, ito ay isa sa mga paborito ko sa collection ko ng mga kanta. Maganda kasi ang mensahe di ba? Napakarealistic, nakakainis na nakakatuwa kasi marerealize mo na di lang pala ikaw ang nakakaramdam ng ganon. Maraming tao ang nakaconnect sa kantang yun, naging theme song ng mga kabataang nababusted ng kanilang mga nililigawan at ng mga babae na hindi napapansin ng mga lalakeng mahal nila. Hay buhay nakakalito, bakit di pwedeng ang taong mahalaga syo eh pahalagahan ka din, di naman kailangan suklian ang pagmamahal na inuukol mo sa kanya pero sana maramdaman mo kahit konti na mahalaga ka at importante and takot din syang mawala ka.
Naexperience mo na ba na may ginawa ka para sa isang tao tapos instead na maapreciate nya eh pinuna pa nya at parang di nya nagustuhan? Grabe noh, di ko na sasabihin kung ano ang pakiramdam dahil alam ko dama mo ang gusto kong sabihin. Sa mga ganitong sitwasyon meron akong napansin at natutunan, sa una lang ok na hindi ka nya pinapahalagahan at napapansin, darating ang araw mapapagod ka at tatanungin mo ang sarili mo kung tama pang ipagpatuloy. Pahalagahan mo muna ang iyong sarili para pahalagahan ka ng iba. Minsan ba sumagi sa isip mo ba na baka ganyan ka dun sa taong mahal mo pero di mo alam may isang tao pala sa tabi mo na lihim na nagmamahal syo at nagbibigay ng halaga pero di mo lang napupuna.
CHOS !! TUMPAK !!
TumugonBurahin