someone once told me that "happiness is a choice", di ko sya naintindihan nung una kaya nagtanong pa ako ulit. Ask ko sya "Masaya ka ba?" ang sagot nya "hindi ako masaya pero pinili ko maging masaya", wow lupit! anong ibig sabihin non di ko lalo naintindihan. Nakiusap ako kung pwede nya ipaliwanag. Napatigil sya, natahimik, at nag-iisip, sa unang pagkakataon sa daming beses namin nagkasama sa mga pagtitipon ng grupo ngayon ko lang nakita at natitigan ang lungkot ng kanyang mga mata. Naisip ko sa sobrang katatawa namin at saya tuwing kami ay magkakasama never ko pa pala sya natitigan upang mabasa ko o makita ang lungkot na itinatago nya sa likuran ng maskara.
Nang sya ay magsimula magpaliwanag, damang dama ko ang sakit na dulot ng mga salitang kanyang binibitawan. Kwento sya about sa kanyang pamilya, tungkol sa kanyang ama't ina. Sa hirap ng kanyang trabaho, at sa break up nilang magkasintahan. Masyadong mabigat, malalim ang sakit ngunit pinag aralan nya kung paano kontrolin ang sakit na nadarama at paano ipakita ang ngiti sa mga labi instead na lungkot sa kanyang mga mata. Sabi pa nya, ang tao daw kapag tumatawa at nagbibiro mas napapatingin tayo sa kanilang magandang ngiti at nabibingi sa lakas ng kanilang tawa. Pero kahit daw ganon ang kanyang sitwasyon mas minabuti nya isipin at gawin ang mga magagandang bagay na makapagpapasaya sa kanya kesa lamunin sya ng kanyang pangit na emosyon. Natulala ako, bakit wala akong alam, at iniisip ko bakit neminsan di ko naramdaman na yun ang kanyang pinagdaraanan. Di na muli akong nagtanong, baka kasi kung saan pa humantong.
lumipas ang ilang taon di na kami nagkikita at di na nagkita pa. Wala akong idea kung nasaan na sya, pero ang mga salitang aking natutunan galing sa kanya ay hanggang ngayon buhay na buhay sa aking alaala. Ngayon kasi ay nasa ganon akong sitwasyon, ang hirap pala ng ginawa nya noon. Di naman magkatulad na magkatulad ang aming problema pero ang solusyon na ginawa nya ay pilit kong ginagaya. ang hirap ng ganitong kalagayan, nakakalito, nakakapraning, di mo alam kung ano ang iyong iisipin. marahil ikaw ay nagtataka na kasi di mo alam ang storya, di ko na bubuuin pero pipilitin kong paikliin.
Masaya ako and at the same time malungkot, wow ano ako baliw na...chos! ok ito na seryoso na talaga, masaya ako kapag kaming dalawa ay magkasama, lagi nya akong pinagbibigyan sa aking mga kapritso o kahilingan. humantong ako sa punto na nafall ako sa aking kaibigan, habang tumatagal tumitindi ang aking nararamdaman. ayokong mag assume dahil sa mga kilos na kanyang ipinapakita pero nasasaktan ako twing sasabihin nya di pa sya ready macommit sa ngayon. kaya ang aking solusyon ay ang sinabi ng matalik kong kaibigan noon.
di na importante kung nasasaktan ako na isipin na di magiging kami or hanggang friendship lang talaga, mas pinili kong maging masaya, makontento sa ano mang ipinapakita nya at pinadarama. Di ako nagmamadali at kaya ko maghintay mga 2 days pa. chos! Di ko man sabihin alam kong ramdam mo ang gusto kong iparating. lahat ng nakikita mo sa kilos ko normal yun kasi mahal kita bobo ka.
Nkaw !! Inlababo !!
TumugonBurahin