Ito'y naging debate ng paulit ulit sa mga salo salo at lalo na sa inuman, kaya payo lang wag nating pag usapan kapag kaharap ay alak at pulutan. Tuwing kami'y magkakasalo salo o inuman ng barkada syempre di mawawala ang tanong na "kamusta ka na kaibigan?" at syempre nakainom ka na kaya ang iyong problemang pangpuso ay iyo ng sisimulan. Di naman sa panunumbat pero ang magiging tema ng usapan ay kinukwento mo mga bagay na ginagawa mo para dun sa taong mahal mo at ang magiging ending ay di nya sinusuklian o parang di nya binibigyan halaga ang mga bagay na yun at pakiramdam mo ay unti unti ka ng sumusuko at wala ka ng pag-asa. At ang iyong mga kaibigan heto naman ang kumento sa kwento mong pangkaraniwan "eh TANGA ka pala eh pinapaasa ka lang nyan at ginagamit dahil may nahihita sya syo" di pa sila makukuntento dudugtongan pa ang sulsol syo "BOBO ka ba o TANGA ka talaga, dami dami dyan iba, hanap ka ng taong makapagpapaligaya syo".
Ito ang di alam ng mga sawsawero minsan, di po sila tanga at lalong di po sila bobo. Alam nila ang kanilang ginagawa, at alam ko rin na nag iisip sila pero mas nananaig lang ang kanilang nadarama para sa taong mahal nila. Mas pinili nya magmukang gago kasi baka marealize mo na ganon katindi ang pagmamahal nya syo, ok lang sya magmukang tanga at uto uto sa paningin mo at ng ibang tao kasi para makita mo ang mga bagay na willing sya ioffer syo makamit lang ang iyong matamis na OO. At sigurado ako kapag naging kayo daig mo pa ang nanalo sa lotto dahil aalagaan ka ng taong yan at di mo mararanasan umiyak kahit minsan. May mga ganyang tao di lang natin alam kasi mas pinipili nila manahimik kesa mapag usapan ang kanilang pinagdaraanan.
Minsan sa aming inuman may kabarkada kaming may katanungan " sino ang pipiliin mo ang taong mahal mo pero di ka mahal o ang taong mahal ka pero di mo mahal? " marami ang sumagot na pipiliin nila ang taong mahal nila pero ako iba ang aking itinugon sa kanyang tanong "pipiliin ko ang taong mahal ako kasi eventually kapag nakikita ko ang mga bagay na kaya nya gawin para mapasaya ako kahit nahihirapan sya ay unti unti kong madarama na nahuhulog na pala ako sa kanya." pero madaling sabihin mahirap gawin kasi bakit ngayon meron nanliligaw sa akin pero di ko sya pinapansin kasi po sarado ang utak ko kasi may ibang tinitibok ang puso ko.
Pero tao pa rin sila/ako may mga pangangailangan at may kapaguran, kung di mo kaya suklian mas mabuting sabihin mo ng harapan. Darating ang panahon kapag ikaw ang napunta sa kanilang sitwasyon sasabihin mo sa sarili mo bakit ka gago at di sya ang pinili mo. wahhhhh di kaya sabihin ko rin yan sa sarili ko wag naman kasi kapag nagkataon pangalawang beses ko na kakainin ang sarili kong opinion.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento