first time ko to, nainggit kasi ako sa friend ko na mahilig magblog. Nung una sabi ko katarantaduhan lang to at walang kwenta, lalo na ng mabasa ko yung blog ng ibang tao na para sa akin ay dabat bang basahin o bigyan ng pansin. Sa araw araw na kasama ko ang kaibigan ko na yun eh di sya matahimik na wala syang blog sa isang araw. Nagtataka ako ano ba ang nagagawa ng pablog-blog na yan? may kabuluhan ba yan? di ba nasasayang ang oras nya at panahon? at bakit parang tuwing nagboblog sya eh ang lalim nya mag isip at parang kailangan talagang gamitan ng utak? hanggang isang araw binasa nya sa aming lahat ang blog na bagong sulat lang nya, saka ko lang narealize na ginagamit nya to upang mailabas ang mga bagay na di nya naikukwento sa amin. Mga bagay na ginawa nya noong bata pa sya na nung panahon na yun eh parang napakalaking problem at seryoso pero ngayon ay tinatawanan na lang kasi eh matured na sya.
Bawat blog ng isinusulat ng ibang tao eh may dating sa iba dahil nakakakonekta sila sa storya at natural lang din na may mga tao na di nagkagusto kasi eh wala silang karanasan sa isinulat na storya o sitwasyon, ganon lang pala yun. kagabi ay busy na naman syang nagboblog habang ako ay napapraning kaiisip sa mga problemang ibinabato sa akin, may mga tanong ako na gusto ko masagot pero di ako nakukuntento sa sagot nila sa akin. pakiram dam ko kasi kaya lang nila nasasabi iyon ay dahil magkakaibigan kami, gusto ko makakuha ng opinion ng ibang tao. at heto na ako, ang naisip kong solusyon ay ang BLOG na ito. toinks! TOINKS! hahahaha nakakatawa lang noh, noon na akala ko ay walang kwenta eh ngayon ay ginagamit ko na. neway salamat sa aking mga kaibigan na adik sa blog at least ngayon mailalabas ko na rin ang mga bagay na gusto ko iparating o damdamin na gustong kumawala. SALAMAT!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento