Halik.....iba't ibang klase ang halik, di ka naman siguro tanga kaya di ko na iisaisahin why sila iba-iba pero para sa akin ang halik ay simbolo kung gaano mo kamahal ang isang tao. Doon mo malalaman kung may pagtingin sya syo, iba humalik ang taong gusto ka alagaan at ingatan sa halik ng taong manyak lang. Kaya dapat alam mo ng di ka nagagago, kaya lang ang problema ay di ka hinahalikan ng taong minamahal mo kaya ngayon ikaw ay litong lito.
Alam mo ba na tuwing ikaw ay aking titignan or tititigan ang pumapasok sa isip ko ay gusto kita halikan kahit smack lang. Kaya alam ko na wala ka pang nararamdaman kasi kahit minsan di mo sibukan na ako ay iyong halikan, so anong tawag mo sa nangyayari sa atin "GAGUHAN".
okay lang na di ka pa makapagcommit sa isang tao pero sana alam nyo ang nararamdaman ng bawat partido. Alam ko naman siguro ang totoo pero nalulunod ako sa nararamdaman ko para syo, di ko to hahabaan kasi lalo ako masasaktan. Dami ko pa tanong alam ko naman na ang mga kasagutan. Di ako masaya noon pero at least di rin ako nasasaktan dati. Tahimik lang ako noon, walang kulay, at walang buhay sana di mo ako pinakialaman ng nanatili akong ganyan.
Tama ang isa sa aking mga kaibigan, martin ang kanyang pangalan. masarap magmahal at umibig, daigdig mo ay maliliglig. Pero di lahat ng kwentong puso ay happy ending, thankful na lang din ako kahit papaano naging masaya ako sa iyong piling.
Hyde ito na ang iyong kwento, para dun sa taong mahal mo. Grabe nakarelate ako...wag ka na tampo. Buhay nyo kwento ko, isa isa lang mahina ang kalaban.
Nakaw ! Ay sige .. haha :) Tamaan ba ? haha :)
TumugonBurahinsalamat very nice!!!!
TumugonBurahin