Iisang tao lang ang nakaalam ng parte ng buhay ko na ito, pero ngayon ikukwento ko na sa inyo. Wala naman sigurong masama kung malaman nyo ang totoong ako, di sa lahat ng oras malakas ang loob ko. Bata pa lang ako eh busy na ang aking mga magulang sa trabaho at sa sideline, ang natitira nilang oras ay sa pahinga nilalaan. Lumaki ako sa poder ng mga lola at tita, sila ang nagtuturo sa akin kapag ako ay may assignment sa iskwela. Ang tita ko rin ang matyagang gumigising sa umaga upang ihanda ang aking pagkain at ang aking babaunin.
Mahal kami ng aking ama't ina kaya nga subsob sila sa kakakayod, pero ang di nila napansin ang panahon na nanakaw sa amin. Tandang tanda ko pa tuwing linggo kami ay nagsisimba, tuwing araw din lang na yun ang bukod tanging araw na kaming lahat ay sama sama. Ang saya ng aking pamilya kahit minsan lang kami magsama sama. May nangyari na di ko inaasahan, katorse ako noon ng maghiwalay ang aking mga magulang. Sa murang isip ko na yun di ko maintindihan bakit sa dami ng pamilya sa mundo ay pamilya ko pa ang nagkaganyan.
Apat kaming magkakapatid, kaming 2 babae ay naiwan kay ama at ang aking 2 kapatid na lalake ang isinama ni ina. Ang hirap lumaki sa poder ni ama kasi ang daming bagay sa buhay naming mga babae na dapat si ina ang iyong karamay, inisip ko na lang wag pansinin kasi malamang ganyan din naman ang pinagdaraanan ng 2 kapatid namin. Gabi gabi kitang kita ng aking mga mata ang mga paghihirap ng damdamin ni ama, pero wala akong magawa kasi ako'y bata pa. Pinilit ko na lang pagsilbihan sya at alagaan baka sakali sya ay matauhan na di naman sya namatay at nawalan ng buhay bagkus may mga buhay na sa kanya'y nakasalalalay.
Lumipas ang mga taon, pinilit namin tanggapin kung ano meron kami noon. Pero siguro madamot ang pagkakataon dahil ang pangyayaring iyon ay di doon natapos. Isang araw nagpaalam si ama papalit daw sya sa pwesto ni lolo sa probinsya. Ibig sabihin noon ay kailangan nya dun manirahan at sya'y malalayo na sa amin, paano kami ng kapatid ko? saan kami pupunta? walang nagawa ang aking ina kundi kunin kaming dalawa.
Galit ako sa mundo bakit sa amin nangyari ito. Marangya ang aming pamumuhay at lahat ng aming gusto ay sa amin ay ibinibigay, pero di ako ganon nakukuntento sa mga bagay na makamundo. Pilit kong hinahanap ang pag-ibig na di ko nalasap, ang aruga na pilit ipinagkait sa akin ng tadhana. Di ako naniniwala sa kasal at lalong di naniniwala na may taong tunay kung magmahal.Yan ang mga dahilan kung bakit ako ganito ngayon, ang puso ko ay pinatigas ng panahon.
abangan ang karugtong.....