Maraming bagay sa mundo ay kumukupas, tulad ng ating kapaligiran na noon ay ubod ng yaman. Alam ba ninyo kung ano ang itsura nito, ikinuwento ba sa inyo ng inyong lola at lolo? Napakayaman ng ating kalikasan, noon ay hindi mo mabibilang sa daliri ang mga hitik na puno sa kapaligiran. Doon sila nagpapahinga at sumisilong kasabay ng mga pangarap na binuo nila noon. Ngayon mga gusali ng naglalakihan ang hindi ko mabilang, wala na akong matanaw na mga puno sa aking kinatatayuan.
Dati rati makikita mula sa kalsada, mga hayop, karwahe, bukirin at kalesa. Ngunit ngayon ay ibang-ibang na, madami na kasing makabago ang naimbento nila. Tulad na lang ng sa transportasyon, sari-saring sasakyan ang sa iyong mga mata ay bubungad. Iba't ibang gamit, laki, hugis at kulay, meron nga lang ibinubungang usok na mabaho at makapal.
Noon napakalinis ng ating mga dagat, ilog at batis, kaya mong inumin ang tubig mula rito kapag ikaw ay nauhaw ng labis. Naparaming iba't-ibang klase ng isda, kaya nga kilala rin tayo sa pangingisda maliban sa pagsasaka. Ngayon napakabaho at rumi ng ating mga likas na yamang tubig, puro basura, kemikal, minsan bangkay ang iyong makikita. Hindi kasi iningatan ng mga lumipas na generasyon, kaya naman wala ng masisilayan ang mga susunod sa tao sa mundo ngayon.
Alam pa ba ng mga kabataan ngayon, kung anong klaseng kultura tayo meron. Likas na makulay ang kultura nating mga Pilipino, na pinilit ituro at isalin sa atin ng ating mga ninuno. Ngunit sa dami ng mga pagbabago at uso, mas ginugusto ng karamihan ang mga kanta at sayaw na pang kanto. Nakakita ka ng ba ng matanda o sinaunang kasuotan, at alam mo ba kung ano ang ipinangalan. Baro't Saya ang itiniwag nila rito, makukulay ito gawa ng mga ibinurdang disenyo. Hanggang sakong ang haba nito, tinernohan pa ng Camisa na maluwang na yari naman sa jusi, pinya o abaca. Ngayon sa makabagong panahon, mga maikling palda, syorts, at tsub na nakakasilaw sa mata ang iyong makikita. Tapos magtataka sila bakit maraming nakikitang mga napagsamantahan, pinaslang, at itinapon sa kalsada.
Ito na ang huling hirit ko para sa aking istorya, kung paano pahalagahan ni lolo noong araw ang pag-ibig ni lola. Noon bago mo makuha ang matamis nyang "OO" puro kalyo na ang kamay mo sa kakasibak ng kahoy o kasasalok ng tubig. Meron pa silang haranang tinatawag, kakantahan ni lolo si lola habang siya namaĆ½ nakadungaw sa bintana at taon ang inabot bago pa ang panunuyo ni lolo ay matapos. Iba rin ang pahalaga nila sa kasal at pag-ibig, kaya nila ialay ang sariling buhay kapalit ng buhay o kaligayahan ng kanilang minamahal.
Ngunit ngayon ay kakaiba na rin, ipapapatay ka nya kesa mapunta ka sa iba. Makasarili na ang pag-ibig ng karamihan ng tao, wala silang pakialam sa nararamdaman mo. Yung iba ay gagamitin ka pa ng todo, at iiwan ka kung wala ka ng maibigay rito.
Sana ay maibalik natin ang ating noon, iyon kasi ang ating natural at kunserbatibong panahon. Hindi man natin kaya ibalik ang pananamit o kalikasan, ngunit sana kahit sa pag-ibig at pagpapahalaga lang, maibahagi at maipamana natin sa kabataan, dahil sila ang ating pag-asa at kinabukasan ng ating bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento