Para sa mga ina na tulad namin, napakasakit isipin na hindi namin maintindihan ang gustong sabihin ng anak namin. Minsan noong ako ay nasa Makati, naglalaro kami ni bunso ng bigla syang umiyak at may sinasabi sa akin. " No banapher, no banapher " yan ang mensaheng paulit ulit nyang sinasabi sa akin.
Hindi ko alam ang aking gagawin, pakiramdam ko may masakit syang nararamdaman ngunit hindi ko sya maintindihan. Sumisigaw na sya habang umiiyak " mommy no banapher, no banapher ". Ano ba talaga? hindi na ako magkandaugaga. Tinawag ko ang kanyang yaya, nagbabakasakali na narinig na nyang minsan ang salitang sinasambit ng anak kong hindi mapakali.
Ngunit wala rin syang nagawa, ngayon lang din daw nya narinig ang salitang iyon na sinasabi ni Mocca. Binuhat ko sya ngunit nagpupumiglas sya, pilit syang nagpapababa sa akin at naghuhumiyaw ng " banapher, banapher ". Ang hirap ng ganito, na bulol pa ang anak ko. May mga salita kasi na huhulaan mo kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito.
Pagbabasihan mo ang tunog ng salitang iyon, iisipin mo kung ano ang posibleng katumbas noon. Kailangan pala na pinagtutuunan ko ng pansin ang bawat galaw ng kamay o katawan ng anak kong pilit na may gustong sabihin sa akin. Doon ko lang tunay na naintindihan, kung ano ang banapher na paulit-ulit nyang pinagsisigawan.
Laki ng pasasalamat ko dahil sa tulong mo, hindi na ako napupuyat dahil diretso ang tulog ko. Hindi ko man masabi kung gaano ka kahalaga, sana maintindihan mo hindi lang ako masalita pero makikita mo sa gawa. Lagi kita karamay, simula pa ng isilang ko ang aking panganay. Ikaw rin ang katulong ko, habang lumalaki ang bunso ko. Kahit saan sila pumunta lagi ka namin kasama, hindi kami makaalis noon kapag wala ka.

ITO NAMANG SUMUNOD NA ISInULAT KO AY PARA SYO " BANAPHER "
Laki ng pasasalamat ko dahil sa tulong mo, hindi na ako napupuyat dahil diretso ang tulog ko. Hindi ko man masabi kung gaano ka kahalaga, sana maintindihan mo hindi lang ako masalita pero makikita mo sa gawa. Lagi kita karamay, simula pa ng isilang ko ang aking panganay. Ikaw rin ang katulong ko, habang lumalaki ang bunso ko. Kahit saan sila pumunta lagi ka namin kasama, hindi kami makaalis noon kapag wala ka.
Ang laki ng iyong naiambag sa pagpapalaki sa aking mga anak. Aaminin ko hindi ko iyon makakaya lalo na kung wala ka. Kahit minsan hindi mo ako binigo, tumutupad ka lagi sa iyong pangako. Pero ito sa akin ang pinakamahalaga, kung paano mo pinaginhawa ang pakiramdam ni Moki at ni Mocca.
Ngunit sana maintindihan mo, na hindi habang panahon ay pwede mo akong tulungan. May mga pagkakataon kasi na hindi kita kailangan. Hindi naman pwede na laging nariyan ka, kailangan ko sila tiisin upang matuto mag-isa. Hanggang dito na lang mahal kong BANAPHER, magkikita rin ulit tayo hindi ko nga lang masabi kung kailan at paano.

Ang gusto pala iparating ng bunso ko sa akin " mommy puno ang diapher ".......
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento