Martes, Disyembre 6, 2011

UNA KONG PAMANGKIN

Si Iyah ang aking unang pamangkin, anak sya ng aking kapatid na sumunod sa akin. Dito sya ipinanganak sa Pilipinas, at dito rin sila nanirahang mag-anak. Ngunit ng siya ay limang taong gulang na, lumisan ang kanyang mga magulang at sa ibang bansa nagtrabaho at nanirahan. Sa aking ina siya iniwan, at telepono at kompyuter lang ang tangi nilang inaasahan.
Isang taon din ang itinagal nya sa amin, bago pa sya kinuha at kami ay lisanin. Doon na nya itinuloy ang kanyang pag-aaral, kahit wala pa syang alam sa lenggwahe ng bansang kanyang pinuntahan. Laking gulat ko ng aking mabalitaan na ang salitang bago sa kanya ay madali nyang natutunan. At lalo pa kami natuwa ng sabihin sa amin na sya ay nag- eeksel sa lahat ng kanyang asignatura sa bagong paaralan.
Mahilig sya kumanta, nagmana kasi sa kanyang ama. Lahat ng kinakanta nya ay ipinapanood nya sa amin, at tuwang tuwa naman ang ina ko na nangungulila sa aking pamangkin. Tatlo hanggang apat na beses kung sya ay umuwi ng Pilipinas, binibisita nya kami at ang ina ko na labis ang pananabik. Kapag may pagkakataon, ang aking ina naman ang pumupunta sa kanila at doon ay bumibisita.
Nasanay na kami sa ganitong tema, limang taon na rin kasi na ganito ang eksena. Ngayon ay nadito sya ulit at nagbabakasyon, mananatili sya sa amin hanggang sa unang linggo ng Enero ng susunod na taon. Ang blog na ito ay hiniling sa akin, hindi naman ako makatanggi dahil sya ang una kong pamangkin. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento