Ang dami ng tao sa mundo na ang hinihiling ay pagmamahal na totoo, ngunit napakahirap makamit dahil yan ang isang bagay na hindi mapipilit. Kahit anong gawin mo, ibigay mo man ang buong mundo kulang pa rin yan dahil wala naman syang nararamdaman. Swerte nya syo dahil kung magmahal ka ay totoo, malas mo nga lang dahil hindi nya kayang suklian o tapatan.
Kadalasan nangyayari ay nasa huli ang pagsisisi, maiisip lang nila kung ano ang iyong halaga kapag ikaw ay wala na. Alam ko ang iniisip mo, nakakapagod magmahal ng totoo dahil sawang-sawa ka na, na lagi na lang umaasa. Minsan sinabi mo sa akin, masaya ka na basta makita mo lang syang masaya ngunit bakit ganyan ang iyong nadarama uhaw na uhaw ka maging maligaya.
Unti-unti nagbabago ang iyong nadarama, nababawasan ito at darating sa puntong wala na. Ang pag-ibig ay may buhay, kapag hindi mo inalagaan ito ay dahan-dahang mamamatay dahil ang sakit na iyong dinadala ay ang syang kikitil sa pag-ibig mong hindi mapigil at nagpupumilit.
Ngunit tao ka lang lahat ay may hangganan, kung hindi mo na kaya ay iyo ng pakawalan. Marami naman dyan, maghintay ka lamang. Ito ang aking natutunan sa dami ng aking karanasan, hindi hinahanap ang pag-ibig kusa itong darating at hindi mo kailangan pang hanapin at hintayin. Kapag ito ay hindi kusang dumating ang madadampot mo ay basura lang din.
Kaya kung ako syo, ienjoy mo lang ang buhay mo. May nakalaan para sa iyo, hintayin mo lang ang tamang panahon mo. Iwasan makipagrelasyon na taong hindi mo naman sigurado dahil malay mo dumating na yung true love mo.
( wala naman talagang true love, ang tindi ng iyong pag-ibig sa isang tao once nasuklian ito saka mo lang nasasabi na true love na ang dumating sa iyo )
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento