Sabi ng ninuno natin ito ay bagay na sagrado, di kayo pwedeng magsama ng wala ang kapirasong papel na ito. Ito ang nagbubuklod sa dalawang nilalang, dalawang tao na pinagsama ng simbahan. Dapat raw sa hirap at ginhawa ang dalawang ito ay laging magkasama, walang sinumang ang pwedeng mamagitan kundi si kamatayan lamang. At kailangan nyong gawin yan bago nyo pakialam ang katawan ng kahit kaninong nilalang.
Iyan ay mga bagay na ating kinalakihan, itinuro sa atin ng ating mga magulang. Ngunit ang puso ay sadyang mapanukso, hindi mo kakayaning pigilan kapag ito na nag udyo. Kaya ang panahon ngayon ay kakaiba na, madami na ang nagsasama ng walang kasal kasal di ba. Hindi na kayang sakluban ng magulang ang desisyon ng ating kabataan.
Kung ako ang tatanungin, hindi na ako naniniwala dyan. Saksi ako sa dami ng pamilya na ngayon ay masaya naman at samasama kahit hindi kasal ang kanilang mga magulang. Isa rin ang aking storya ng buhay sa dami ng bilang ng sirang pamilya, oo kinasal sila pero sa hiwalay din natapos di ba. Hindi na rin ako naniniwala sa tagal at ikli ng pinagsamahan, madami kasing magkasintahan taon na ang binilang ngunit ending up ay hiwalayan.
Siguro nga maipagmamalaki mo kapag kinasal ka sa isang tao, ngunit ano kaya ang press release mo kapag iniwan ka na nito. Pareho lang naman nasasaktan ang kasal at di kasal, pareho lang naman din ang saya na kanilang madarama. Bakit natin kailangan pagbasehan ang kapirasong papel na nasusunog lang, di ba mas importante ay ang pagmamahalan na sa inyo ay namamagitan.
Lalabas lang ang totoong pagkatao ng isang nilalang kapag kayo ay magkasama na sa iisang tahanan. At doon mo matutuklasan kung kakayanin mong tanggapin ang bulok na pagkatao ng kung sino mang kinakasama mo. Kaya mas pabor ako sa live in muna ng magkakinlanlanan ang dalawang nilalang ng hindi sa huli ay magsisisi ka rin lang.
At huwag natin husgahan ang mga taong ganyan, baka kasi isang araw ganyan din ang iyong kakalabasan. Pakialaman mo ang sarili mong pamilya at huwag ang istorya ng iba. Malay mo mas masaya pa pala sila kesa sa kasal na pinasok mo di ba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento