Kailan mo ba ipadarama na proud ka sa iyong kasama, bakit tila neminsan ay hindi mo sya naipakilala. Ano ba ang kailangan para maipagmalaki mo ang isang tao, hindi pa ba sapat ang minahal ka nya ng totoo. Hindi ba inaasikaso nya ang lahat ng iyong kailangan, upang sa buhay mo ay hindi ka mahirapan. Pero bakit parang kulang pa ang kanyang sakripisyo upang suklian mo ang pagmamahal nya syo.
Mukang hindi mo pa alam kung ano ang pakiramdam na ipinagmamalaki ka ng iyong kasintahan kaya hindi mo kayang gawin yan sa kanya at hindi mo kaya maipadama. Ngunit ngayon ay nadyan na sya sa iyong tabi, at damang dama mo kung paano ka nya ipagmalaki. Sana ngayon matuto ka na upang sa kanya naman ay iyong ipadama ng sya naman ang maging maligaya.
Hindi na sya mag-iisip ng kung ano ano na nagiging sanhi ng inyong pagtatalo. Matututo sya magtiwala syo dahil ngayon kilala na nya kung sino ang mga kasama mo. Mahalaga sa isang relasyon na kayong dalawa ay laging may komunikasyon, kaya lagi mo dapat alamin kung ano ang tumatakbo sa kanyang isip at damdamin. Pagsasama nyo ay magiging maligaya kasi ang utak at puso nya ay tahimik at kuntento na.
Kaya matuto tayo magbigay ng halaga sa tao, at huwag pakampante dahil mahal ka nito. Darating ang araw matatauhan yan, lalo na kung may dumating na tao na kaya syang mahalin at ingatan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento