Kung titignan natin ang dating gawain masasabi ko na noon lagi lang tayong sunudsunuran sa bilin ng magulang natin. Hanggang sa pagpili ng kurso sila ang magdedesisyon, mas alam daw nila kasi kung saan ka aasenso o gaganda ang buhay mo. Ang hindi nila alam ay ang hirap na iyong pagdaraan matapos mo lang ang apat na taon sa kursong wala kang kaaalam alam o kahit interes man lang.
Ngunit buti na lang naiba na ang generasyon, mas may kalayaan na magdesisyon ang kabataan natin ngayon. Malaya sila nakakapili kung anong kurso ang kukuhain base sa interest o kung ano ang uso. Doon ka lang kasi lubos na magiging maligaya kung gusto mo talaga ang kurso na iyong kinukuha, mas madali ka matuto dahil uhaw ka pa sa kaalaman at gusto mong yumaman ang iyong isipan.
Ako sa totoo lang, ngayon ko pa lang kinukuha ang kurso na nagkainterest ako. Ang gusto ko ay maging guro at sa araw-araw ay magturo.Nakita ko kasi ang kalidad ng edukasyon na meron tayo, grabe ang pilipinas ay talong talo. Marami ng unibersidad o kolehiyo na basta kumita lang ay kuntento na sila dito, hindi nila naisip na iba saya at fulfillment na kanilang madarama kung talino, respeto, sipag at tyaga ang naituro sa bata.
Sa isang paaralan bilang lang ang guro na iyong matatandaan, kasi ang maaalala mo lang ang yung mga syo ay talagang may pakinabang. Mga guro na sumoporta at sa iyong pagkatao ay may naitulong, at hindi yung tipo na kinatakutan mo kaya naman sila ay halos isumpa mo. Pero wala tayong magagawa upang ito pa ay itama, sakit na nila yan at mahirap ng baguhin.
Kaya sisimulan ko sa aking sarili, pipilitin kong mag-aral ng mabuti. Hindi ko gagayahin ang mali na nakagisnan bagkus babaguhin ko at pagagandahin ng umunlad naman ang bayan. Tutularan ko ang mga guro na sa akin ay may malasakit kesa sa mga guro na sa akin ay nagbigay ng pasakit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento