Ito ay ipinalabas sa sinehan noong 1997 pa, isa yan sa magagandang pelikula na never ko pa nakita. Pinagbibidahan ito ng mga kilalang artista sa Amerika, si Kate Winslet na gumanap na si Rose DeWitt Bukater at si Leonardo DiCarpio bilang si Jack Dawson. Ako na lang yata ang natatanging nilalang na hindi pa nakita ang palabas na iyan dahil sa personal na dahilan. Hindi kasi maganda ang aking sitwasyon, nag-aaral pa ako sa U.E. noon.
Ayon sa aking mga kaklase maganda daw talaga ang istorya, madadala ka mga pangyayari na nagaganap sa dalawang bida. Kaya naman kaming apat at pumunta sa isetann recto, nilalakad lang kasi yun mula sa paaralan ko. Ngunit nagulat ako sa aking nakita, halos lahat ng manonood ay may kapareha. Ayoko nakakakita ng ganong eksena, lalo na yung mga naglalambingan pa. Hindi ako nakatiis, ako ay umalis. Iniwan ko ang barkada, dismayado at nagtataka.
Buntis kasi ako noon kay Moki, ang ama naman nya ay wala sa aking tabi. Pinagbuntis ko sya mag-isa na wala akong hininging suporta, ang tumulong lang sa akin ay ang aking pamilya. Kaya galit ako makakita ng masasayang magkapareha dahil naaalala ko kung ano kami noon ng ama nya nung kami ay magkasama pa.
Kaya sabi ko sa aking sarili, panonoorin ko lang ang Titanic kapag nakita ko na ang tamang lalake. Ang taong magmamahal sa akin ng totoo at tatanggapin ang aking buong pagkatao. Ngunit kailan pa kaya iyon? Meron pa kayang kopya sa vcd o dvd kapag dumating ang panahon na iyon. Ewan ko hindi ko alam pero siguro sa akin ay ok lang.
Basta tutupad ako sa pangako ko, hindi ko panonorin ang pelikula hanggat hindi pa kita nakikita at nakikilala.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento