Paano ka ba umibig? ikaw ba ay totoo o ikaw ay maligalig? Hindi lahat ng tao ay pare-pareho, meron mga seryoso at meron ding manggagancho. Bago ka ba pumasok sa relasyon ay mahal mo na ang tao? o nagkomit ka na sa tao bago mo pa pag-aaralan mahalin ang katipan mo? Ano man ang paraan mo sa huli ay may masasaktan dito, lalo na kung alam mo sa sarili na hindi mo talaga mahal yung tao.
Meron akong minahal na tao, ibinigay ko ang buo kong pagkatao. Ipinagkatiwala ko ang aking mga sekreto, mga bagay na itinago ko sa mga tao. Nagawa kong hubarin ang maskara ko, nakita nya ang bait at lungkot ng mata ko. Umpisa pa lang pinadama ko na, kung gaano siya kahalaga at mahal kong talaga. Ibinigay ko ang lahat mapasaya ko lang siya, akala ko naman noon ako rin ay mahal nya.
Sa pitong buwan na siya ay aking nakasama, siya lang ang minahal ko at hindi lumingon sa iba. Naging tapat ako, at sunud-sunuran sa gusto nya. Ngunit meron akong napansing mga pagbabago, tila sa akin ay meron siyang itinatago. Nakipaghiwalay siya sa akin ng walang sapat na dahilan, nirespeto ko ang kanyang hiling kahit ako ay nasasaktan.
Isinama nya ako sa kanyang mga kabarkada, sa unang pagkakataon sila ay aking nakilala. Ang sakit sakit pala kapag ikaw ay ipinikilala na isang kaibigan ng taong kay tagal mong sinamba. Nagtiis pa rin ako pinilit ilapit ang sarili ko, baka sakali matulungan ako sa pinagdaraanan ko. Hindi ako nawalan ng pag-asa, nagtiis, naghintay na ako ay balikan nya. Ngunit siya ay matigas, siguro nga ay iyon na ang wakas.
Hindi na ako sumama pa sa kanyang mga lakad, tinanggap ang pagkatalo at lumayo na ko. Noon ko nakilala ang mga bago kong kabarkada, inaliw nila ako at pilit na nagpakasaya. Hindi nya ako pinapansin noong una, wala pa rin siyang pakialam at wala pa rin akong halaga. Maraming pagkakataon na kinailangan ko ang kanyang tulong, sakit pa rin aminin na wala siyang naitulong.
Naging malapit ako sa isa sa tropa, lagi kasi na riyan para sa akin ay sumoporta. Mapang asar sya sa akin kapag tropa ay nariyan, malambing naman sya kapag konti na lang ang naiwan. Araw at gabi kami ay magkausap, napansin naman nung isa ngunit hindi pa rin nagrereak. Naisip ko tuloy ay wala na talaga, malaya na ako na magkagusto sa iba.
Lalo kami naging malapit sa paglipas ng mga araw, tinukso na kami ng tropa para sa kanila ay may kakaiba. Hindi pa rin kami umamin na gusto na namin ang isa't-isa, ngunit hindi naman sila tanga upang hindi nila mapuna. Hinayaan na lang namin na ganon ang sitwasyon, hindi pa naman kami handang pumasok sa isang relasyon.
Bigla-bigla na lang bumalik ang noon, kung kailangan naman napakasaya ko na sa ngayon. Kilala ng lahat ang aking noon, gusto nila ito lahat sila ay dito boto. Hindi lang siguro ako nagsasalita, kaya naman wala silang alam at hindi nila nakita. Mga pangyayari na di maganda, na sadya kong ikinubli. Hindi rin naman ako nagkwento sa aking ngayon, ayoko sila mabigla na wala na pala ang noon.
Nagkaroon ng pagkakataon na kami ay nagkaharap-harap, kailangan kong mamili, ano ang aking desisyon. Pinili ko ang noon dahil boto ang pamilya ko doon, binigyan ko sya ng isa pang pagkakataon. Masaya naman ako at naintindihan ng ngayon, ang mahalaga sa kanya ay alam nyang siya ang mahal ko ngayon. Hindi kami pwede magkita o mag-usap man lang, yang ang kundisyon ng aking desisyon.
Iyan ang istorya ng buhay ko ngayon, pwede kayo magmungkahi at salamat kung ganon.
Aral: Minsan hindi natin nakikita ang halaga ng isang tao, matatakot lang tayo kapag may iba na nakapansin rito. Ang masakit ay kapag huli na, swerte ka naman kung nariyan pa sya.