Hindi ko alam kung saan magsisimula sa dami ng nangyari nung ako'y nawala. Nalunod ako sa pantasya na ako ang lumikha, pinaniwala ang sarili sa multong aking nagawa. Akala ko masaya kapag buo ang pamilya, depende pala sa sitwasyon at sa klase ng iyong nakuha.
Hindi masamang magsakripisyo lalo na sa taong mahal ko, pero sana hindi ko kinalimutan ang sarili at nagtira ako ng kahit konting respeto. Oo na lang kasi ako ng oo para umiwas sa gulo, dapat pala noon pa ay nagsalita na ako. Sinanay ko kayo na sunod-sunuran lang ako, hindi ko kasi inakala na sasamantalahin nyo ako.
Hindi ko na dedetalyihin ang mga pangyayari, wala rin naman mababago dahil ako pa rin ang masisisi. Hinayaan ko kayo at sinanay sa paraan na akala ko ay tama ngunit hindi pala ganoon dapat, dahil tao rin ako na kailangan ng pagkalinga.
Tapos na ang lahat, nagawa ko na rin kitang iwan. Masakit man para sa ating dalawa pero tignan mo naman ngayon kaya mo na tumayo sa sarili mong paa. Nagawa mong tuparin ang pangarap mong negosyo ng wala ako, nagsipag ka upang walang masabi syo ang pamilya ko. Sana noon mo pa yan ginawa, noong buo pa tayo at masaya.
Ngunit hindi pa naman gunaw ang mundo, meron pa namang pag-asa. Ngayon mo nakita ang mga nagawa ko, hinahanap mo ang pagkalinga ko syo. Mabuti na rin siguro ang ganito, magsumikap muna tayo pareho. Tama ang sinabi mo, magtiis muna tayo na magkahiwalay ang mahalaga ay tayo pa rin dalawa at iisa ang nadarama.
Darating din ang panahon, hihilom din ang mga sugat ng ating mga pamilya. Sana kapag nangyari yun kaya mo na rin magdesisyon, may sarili kang paninindigan at hindi padadaan sa bulong. Nadito lang kami maghihintay sa iyo walang magiging iba sa iyo lang ako. Yan ang pangakong aking binitiwan noong disyembre 18, 2013 nung ikinasal tayo.
https://www.youtube.com/watch?v=nAiYzji88Ww