Miyerkules, Disyembre 19, 2012

Noong aking kaarawan....


Apat na araw at apat na gabi, ano kaya ang mangyayari? Iyan ang laman ng aking isip, pagpasok ng buwan ng Desyembre. Nangarap ng nakangiti, nag-iisip ng mga pwedeng sorpresa mula sa aking mga kaibigan at kakilala. Ngunit bakit nga ba ganoon kapag darating ang kaarawan mo, pilit pasasayahin ang sarili at kukumbinsihing maganda ang mangyayari.


Naisip ko pa baka may inihanda sila sa akin, sosorpresahin ako at bigla silang darating. Humiling kasi ako noon ng isang keyk sa aking mga kaibigan, bihira kasi na meron noon kapag akin ng kaarawan. Sa lahat kasi ng aking kaibigan ang karaniwang ibinibigay ko ay keyk, baka sakaling sa pag-ihip nila ng kandila ay matupad ang kanilang kahilingan.



Ngunit ako pala ay nagkamali, dapat hindi ako umasa sa mga kwentuhan noon ng barkada. Okey lang sana na walang keyk baka maintindihan ko pa, pero yung walang dumating at nagpakita yun ang sa akin ay malaking sorpresa. Okey lang salamat na rin, may mas maganda namang nangyari sa akin.



Buti na lang nung dispiras ng aking kaarawan, may sorpresa na talaga namang hindi ko inaasahan. Mula sa aking katipan at kanyang mga kaibigan, may dala silang keyk at ako pa ay kinantahan. Sila ay mga bago lang  na kakilala, ngunit pakiramdam ko sa kanila ako ay may halaga. Minsan lang kasi sa isang taon ang ating kaarawan, kaya sana huwag natin palagpasin na akala mo ay wala lang.



Salamat sa mga nakaalala at bumati, lalo na sa mga taong nagtyaga na maghintay ng hating gabi. 



thank dy! love you!
thank you moki baby!
thanks jules!
thanks rhej and wowie!