Sila ang aking mga bagong barkada, mababait, palatawa at magaling makisama. Binilang nila ako na kanilang tropa, kaya naman ngayon ay meron na akong nakakasama. Ipapakilala ko sa sila sa inyo isa-isa, upang malaman nyo bakit sila ang napili kong maging bagong tropa.
Unahin natin si Jeff ang may ari ng shop na riders dock, sya kasi ang dahilan upang makilala ko silang lahat. Tahimik lang siya nung una, kinakapa siguro ang ugali ko dahil bago akong kakilala. Mabait siya sa akin, hindi ako tinataga sa mga pyesa na aking bibilhin.
Si Ryan naman ang aking mekaniko, grabe ang gwapo at napaka macho. Siya ang chickboy ng tropa, mahilig sa chicks pero ang chicks walang hilig sa kanya. Lagi ko sya kinakantyawan dahil hindi sya pikon sa ano mang klase ng tuksuhan.
Si Tukayo naman ang malapit sa akin, wala akong itinatago lalo na kung tungkol sa aking damdamin. Siya ang taga bigay ko ng payo, na minsan yata ay tila gusto na sumuko. Kahit anong oras, sa kahit anong bagay, si tukayo lang ang laging nadyan.
Si Len naman ang kasintahan ni Jeff, mabait, tahimik lalo na kapag kaharap ay itik. Hindi ako malapit sa mga babae, kaya laking gulat ko ng sya ay mabait sa akin. Magkasundo kami sa kainan, dyan sa parte na yan masasabi ko na hindi kami mag-iiwanan.
Si Icha naman ang para sa akin ay mapagkakatiwalaan, kapag sinabi mo kasi na sikreto aba mamaya lang ay makakalimutan. Tapat din ako sa kanya pagdating sa aking pinagdaraanan, pinapayuhan nya ako sabay parang gusto akong pukpukin ng kawayan. Siya ang tipo ng tahimik na kaibigan ngunit lagi mo maaasahan.
Si Buknoy naman ang bunso ng tropa, makulit, maligalig, maliliglig ang paligid. Hindi kami malapit kaya naman sa inyo ay halos wala akong mabanggit.
Si Abet ang palikero sa tropa, di ko sigurado pero yan ang kwento nila. Nameet ko na ng minsan ang kanyang kasintahan, napagtripan ko pa biruin, malay ko bang may tatamaan. Buti na lang at hindi sila nag-away, inamin ko rin kasi na joke lang at ang totoo ay wala akong alam.
Si Marvin naman ay malapit din sa akin, siguro dahil sa dami ng mga bagay na napagkwentuhan na namin. Siya rin ang gumawa ng lahat ng gamit kong sira, kaya naman laki ng pasasalamat ko na sya ay tropa ko.
Salamat sa inyong pag-anyaya, at salamat din sa mga araw na ako ay inyong napasaya.